PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward's College Plans, Coco Martin Crush

Jillian Ward, kinikilala ngayon bilang "Teen Queen" ng GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Jul 28, 2023
jillian ward at gma gala
Jillian Ward during her awkward stage: “Sina Mama po kasi, lagi po nila akong ini-encourage talaga since bata pa ako, yung awkward stage ko, na parang, ‘Okay lang ‘yan. Kailangan mo pang mag-develop. Parang ito yung time para mas galingan mo. Mas matuto ka pa.’"
PHOTO/S: Pau Guevarra / GMA Network

Nangako si Jillian Ward na gagawin nito ang lahat para makapasok sa kolehiyo.

Bukod sa napatunayan niyang puwedeng pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista, first honor siya nang magtapos ng senior high school noong nakaraang linggo mula sa Sanston Academy.

Read: Jillian Ward graduates senior high school with highest honors

Si Jillian ang panauhin ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, July 28, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito niya inihayag ang kagustuhang makatapos ng pag-aaral dahil hindi permanenteng propesyon ang pag-aartista.

Pahayag ng 18-year-old Kapuso actress, “Gusto ko po talagang mag-college kahit sobrang busy po. I’ll try my best na ipagsabay po siya.

"I mean, nagawa ko naman po siya for how many years ever since five years old po ako. Ever since naging artista po ako, napagsasabay ko naman po siya so itutuluy-tuloy ko po para maging proud sina Papa at Mama."

Bata pa lamang si Jiillian nang mangarap siyang maging artista, at natupad ito noong tumuntong siya sa edad na lima.

Lahad niya, “Noong fifth birthday ko, sabi po sa akin, ‘Anong gusto mong birthday gift sa yo?’

“Sabi ko po, gusto kong maging artista talaga. And the same year [2010], nagkaroon po ako ng show na Trudis Liit.

Kinilig naman si Jillian nang sabihin niyang si Coco Martin ang kanyang showbiz crush.

Mahusay na child actress si Jillian at mabilis siyang mapaiyak sa mga madadamdaming eksena. Halos hindi na nga maintindihan ang kanyang mga linya dahil sa mga paghikbi niya kaya ang lagyan ng subtitles ang kanyang mga linya ang solusyon na naisip noon ng production staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang maging teenager siya, hindi ipinagkaila ni Jillian na nahirapan siya dahil nalimitahan ang mga role na ibinibigay sa kanya.

“Noong awkward stage po, parang hindi ko po alam kung bata po ba ako o parang dalaga na po. Parang medyo naging mahirap pong maghanap ng roles for me.

"Pero hindi naman po ako pinabayaan ng GMA. Every year po, may show pa rin ako so thankful naman po ako.

“Ako po kasi, kung ano lang po yung dumarating po sa akin o ibinibigay sa akin ng network o ni God, tinatanggap ko lang po talaga and ibinibigay ko yung best ko parati.

“Sina Mama po kasi, lagi po nila akong ini-encourage talaga since bata pa ako, yung awkward stage ko, na parang, ‘Okay lang ‘yan. Kailangan mo pang mag-develop. Parang ito yung time para mas galingan mo. Mas matuto ka pa.’

"Kasi darating yung time na magiging mas busy po ako. Mas may project na malalalim at dumating nga po,” paliwanag ni Jillian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinikilala ngayon si Jillian bilang "Teen Queen ng GMA-7" dahil sa phenomenal success ng Abot Kamay Na Pangarap, ang afternoon drama series ng kanyang pinagbibidahan.

Read: Jillian Ward's biggest takeaway from Abot Kamay na Pangarap role

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Jillian bilang teenage actress, nananatili siyang mapagmahal na anak na napatunayan nang magpasalamat at humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga magulang.

“Sorry kasi minsan matigas po yung ulo ko, pero recently talaga, good girl talaga ako.

“Thank you for everything, as in lahat-lahat. In all aspects of my life, andiyan po sila.

"Lagi po akong gina-guide. Hindi lang po sa career kundi sa personal life ko po and even po yung sa future ko, pinaplano namin together,” pasasalamat ni Jillian sa kanyang ama at ina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward during her awkward stage: “Sina Mama po kasi, lagi po nila akong ini-encourage talaga since bata pa ako, yung awkward stage ko, na parang, ‘Okay lang ‘yan. Kailangan mo pang mag-develop. Parang ito yung time para mas galingan mo. Mas matuto ka pa.’"
PHOTO/S: Pau Guevarra / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results