Mapagtutuunan na ng pansin ni Atasha Muhlach ang kanyang showbiz career sa Pilipinas dahil nagtapos na siya ng business course niya sa isang business school sa Nottingham, London.
Si Atasha, isa sa kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, ay sigurado nang susundan ang yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang dahil pumirma na siya ng exclusive contract sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.
Read: Atasha Muhlach, tinapos muna ang pag-aaral bago sumabak sa showbiz
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ni Aga ang video ng graduation ni Atasha na naganap ngayong Biyernes, July 28, 2023. Dinaluhan nila ito ni Charlene at ng isa pa nilang anak na si Andres Muhlach.
Bakas sa mga mukha ng pamilya Muhlach ang kaligayahan dahil tunay na maipagmamalaki ang achievement ni Atasha na nakatapos ng pag-aaral sa edad na 21.
Read: Celebrities with kids studying abroad
“We have the next big star in showbiz,” deklarasyon ni Viva Entertainment big boss Vic del Rosario nang opisyal na ipakilala si Atasha bilang contract star ng kanyang kompanya sa media conference na ginanap sa Viva Café noong July 3, 2023.
"Hearwarming" ang reaksiyon ni Atasha sa nakatataba ng pusong pahayag ni Boss Vic tungkol sa desisyon niyang bigyan ng katuparan ang kanyang pangarap maging artista.
“This is something that I’ve always wanted to do ever since I was 10 years old when I did Sound of Music [musical play]. That’s when I realized that I really do love to perform. I love to sing.
“But at first, it clashed with my school. I needed to focus on my studies first. It was a promise to my parents and to myself,” pahayag ni Atasha, na magkakaroon din ng recording career dahil may talent siya sa pagkanta.
Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, magiging abala na si Atasha sa mga proyektong gagawin niya.