PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon Wins Car in Abot-Kamay Na Pangarap

Allen, malaki ang pasasalamat na naging bahagi siya ng 'Aboy-Kamay Na Pangarap.'
by Jojo Gabinete
Published Aug 2, 2023
allen dizon at gma gala 2023
Bumili ng Toyota Hilux vehicle si Allen Dizon mula sa kanyang talent fee sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' bilang gantimpala sa sarili at para may alaala siya mula sa phenomenal afternoon drama series ng GMA-7.
PHOTO/S: Pau Guevarra

Isang Toyota Hilux vehicle ang binili ni Allen Dizon mula sa kanyang talent fee sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang gantimpala sa sarili at para may alaala siya mula sa phenomenal afternoon drama series ng GMA-7, na mag-iisang taon nang napapanood sa telebisyon sa September 5, 2023.

Si Allen ang gumaganap na Carlos Enrico Benitez sa Abot-Kamay Na Pangarap, at lubos ang kanyang pasasalamat dahil kasama siya sa cast ng sikat na teleserye na pinakamatagal na programa niya sa telebisyon.

Read: Allen Dizon reveals perks of playing Doc Carlos in Abot Kamay Na Pangarap

Permanente nang naninirahan si Allen sa tahanan nila ng kanyang pamilya sa San Fernando, Pampanga. Lumuluwas lamang siya sa Metro Manila dahil sa kanyang mga showbiz commitment.

Kung walang dahilan para umalis sa Pampanga, nananatili si Allen sa bahay nila dahil ang successful car buy-and-sell business ang kanyang tinututukan.

Tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes ang mga araw ng taping ni Allen para sa mga eksena niya sa Abot-Kamay na Pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Upang hindi mapagod sa biyahe, hindi maaksaya ang kanyang oras at gasolina, nagche-check in na lamang si Allen sa iba’t ibang mga hotel dahil mas marami ang natitipid niya.

“Mas malaki ang natitipid ko at may permiso naman ng misis ko ang pagche-check in ko sa mga hotel kesa umuwi pa ako sa bahay namin,” paliwanag ni Allen nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Miyerkules ng hapon, August 2.

Sinabi ni Allen na mababait ang mga co-star niya sa Abot-Kamay na Pangarap kaya masuwerte na nakasama siya sa naturang programa.

Read: Allen Dizon, solid Kapuso pa rin kahit kaliwa't kanan ang raket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Allen ang guest sa Fast Talk with Boy Abunda sa darating na Biyernes, August 4. Makakasama niya si Dominic Ochoa, ang kanyang co-star sa afternoon drama series ng Kapuso Network.

Gaya ni Allen, nagpapasalamat si Dominic na magdiriwang ng 49th birthday sa August 4 dahil bahagi rin siya ng Abot-Kamay na Pangarap.

Sinabi ni Dominic na sa unang pagbabasa pa lamang nito sa script ng kanilang drama series, naramdaman niya agad na aabot ng isang taon ang show nilang patuloy na namamayagpag dahil sa mataas na ratings.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumili ng Toyota Hilux vehicle si Allen Dizon mula sa kanyang talent fee sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' bilang gantimpala sa sarili at para may alaala siya mula sa phenomenal afternoon drama series ng GMA-7.
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results