PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enrique Gil, napagkamalang porn star sa Thailand?

Enrique Gil, lumipad ng Pattaya para sa shooting ng comeback film niya.
by Jojo Gabinete
Published Aug 14, 2023
enrique gil ranvel rufino
Enrique Gil (left), with manager Ranvel Rufino, flies to Thailand for the shooting of his comeback film, 'I Am Not Big Bird.'

Nagpunta sa Thailand si Enrique Gil, kasama ang kanyang manager na si Ranvel Rufino, noong Linggo, August 13, 2023, para sa shooting ng bago niyang pelikulang may pamagat na I Am Not Big Bird.

Ang pelikula ay co-production venture ng ANIMA Studios, Black Sheep, Epicmedia, at Make-A-Break Productions, ang sariling kompanya ng 31-year-old actor.

Mula sa international airport sa Bangkok, dumiretso si Enrique at ang kanyang manager sa Pattaya dahil dito kukunan ang mga eksena ng I Am Not Big Bird.

Tampok din sa pelikula sina Nikko Natividad, Pepe Herrera, at Red Ollero.

Si Victor Villanueva ang direktor ng I Am Not Big Bird, samantalang si Joma Labayen at ang Palanca Award winner na si Lilit Reyes ang sumulat ng kuwento.

Read: Enrique Gil: moving out of LizQuen's shadow

Magsisimula ang shooting ng I Am Not Big Bird sa Pattaya bukas, August 15. Mahigit sa isang linggo mananatili sa nasabing siyudad si Enrique, ang kanyang mga co-star, at ang production crew.

Gagampanan ni Enrique sa I Am Not Big Bird ang karakter ni Luis Carpio na nagpunta sa Thailand para magbakasyon, kasama ang kanyang mga kaibigan. Pero napagkamalan siyang pornstar dahil kamukhang-kamukha niya si Big Bird, isang sikat na porn actor sa bansa na kinikilala sa buong mundo bilang Land of Smiles.

Sineseryoso ni Enrique ang pagiging co-producer ng I Am Not Big Bird dahil nagmumungkahi siya ng mga linyang maaaring gamitin sa mga eksena ng unang proyekto ng kanyang production outfit.

Ang I Am Not Big Bird ang comeback movie ni Enrique, na huling napanood noong February 2019 sa Alone/Together, ang pelikulang pinagbidahan nila ni Liza Soberano at Valentine’s presentation ng Star Cinema ng ABS-CBN Productions.

Apat na taon na ang nakalilipas buhat nang gawin ni Enrique ang huling pelikulang pinagbidahan niya kaya naninibago at parang muling nagsisimula ang kanyang pakiramdam, pero sabik na siya muling umarte sa harap ng mga kamera.

Isang comedy-adventure movie ang I Am Not Big Bird na inaasahang nakakatawa dahil ganitong mga klase ng proyekto ang forte ni Victor, ang direktor ng critically acclaimed movie na Patay Na Si Jesus (2016) at Boy Bastos, ang launching movie ni Wilbert Ross noong 2022 at napapanood hanggang ngayon sa Vivamax.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil (left), with manager Ranvel Rufino, flies to Thailand for the shooting of his comeback film, 'I Am Not Big Bird.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results