PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kean Cipriano: No Return to StarStruck S3

Kean Cipriano, inaming pinilit lang siyang ng kanyang mommy na mag-audition.
by Jojo Gabinete
Published Aug 16, 2023
kean cipriano fast talk
Kean Cipriano on auditioning for 'StarStruck' Season 3 in 2005: “Ito yung kuwento na ayoko sanang ikuwento, sa totoo lang, dahil parang iba siyang phase ng buhay ko."
PHOTO/S: GMA Network

Nasorpresa ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza sa kanilang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, August 16, 2023, dahil hindi nila inaasahang mauungkat ang pagsali ni Kean sa Season 3 ng StarStruck: The Nationwide Invasion noong 2005.

Napailing at natawa si Kean habang nanlaki ang mga mata ni Chynna nang ipakita ang lumang video ni Kean nang maging contestant ito ng reality-based artista search ng GMA-7.

Read: Kean Cipriano, nagbigay-pugay sa misis na si Chynna Ortaleza

kean cipriano starstruck

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito yung kuwento na ayoko sanang ikuwento, sa totoo lang, dahil parang iba siyang phase ng buhay ko.

"Kasi yung time na yon, yung nanay ko, gusto niya akong mag-artista. Yung video na yon, magkaaway kami ng mommy ko noon dahil ayaw ko.

"Sabi ko, may mga camera sa labas, kumbaga, hindi ko siya gusto talagang gawin,” kuwento ni Kean matapos mapanood ang lumang kopya ng kanyang audition video, labingwalong taon na ang nakalilipas.

kean cipriano starstruck

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi itinuloy ni Kean ang StarStruck Season 3 journey niya noong 18 years old siya dahil mas nanaig sa kanya ang pagmamahal sa musika.

Saad niya, “Mas gusto ko na i-pursue yung music. Mas gusto kong sumugal at tumalon sa pagbabanda, pagsusulat ng kanta. Mas gusto kong ganoon.

“Para siyang isang malaking trip. Parang sinasabi niya [his mother], ‘Ito yung opportunity. Sayang, nandiyan ka na.’

“Parang ako, hindi ko rin siya magagawa nang tama kasi hindi ako masaya.

“Nasabi ko yan sa mommy ko na, ‘Tingnan mo, Mommy, sinunod ko yung tingin ko na gusto ko, tapos napunta siya, naging aktor din ako. Naging direktor din ako at napuntahan ko rin yung gusto mong mangyari.'

"Pero kinailangan ko lang sundin yung gut ko noong time na yon dahil alam ko hindi ko siya magagawa nang tama.”

kean cipriano starstruck

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagkamali si Kean sa kanyang desisyon dahil bukod sa pagiging singer, nag-artista siya, gumawa ng mga teleserye at pelikula, hanggang maging talent manager sa kasalukuyan.

Ang yumaong si Marky Cielo at si Jackie Rice ang itinanghal na Ultimate Male and Female Survivors, respectively, sa third season ng StarStruck.

Kabilang sa StarStruck 3 contestants si Arci Muñoz, na nakarelasyon ni Kean noong siya pa ang vocalist ng Callalily pop rock band.

Ipinagtapat ni Arci sa isang interbyu noong February 2020 na si Kean ang kanyang first love. Naghiwalay sila dahil may sangkot na third party at apat na taon ang lumipas bago naka-recover si Arci mula sa kanilang breakup.

Read: Arci Muñoz admits being martyr girlfriend to ex-boyfriend Kean Cipriano when she was head over heels in love

Kasama si Kean sa cast ng Wish You Were The One, ang pelikulang pinagungunahan nina Bela Padilla at JC Santos.

Karelasyon ng karakter ni Bela ang papel na ginampanan ni Kean sa pelikulang magbubukas sa mga sinehan sa August 23, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano on auditioning for 'StarStruck' Season 3 in 2005: “Ito yung kuwento na ayoko sanang ikuwento, sa totoo lang, dahil parang iba siyang phase ng buhay ko."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results