PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes on Love Language with Marco

Cristine Reyes, komportable sa leading man na si Empoy Marquez.
by Jojo Gabinete
Published Aug 17, 2023
cristine reyes marco gumabao
Cristine Reyes on relationship with boyfriend Marco Gumabao: "I’m happy and it’s something fresh and I want to somehow keep it low [profile]. Mas maganda yung chill lang yung life. Hindi masyadong pinag-uusapan. Medyo gusto ko lang kapag medyo ganoong bagay private."
PHOTO/S: Viva Films / Instagram

Ang relasyon nila ni Marco Gumabao ang isa sa mga muling itinanong kay Cristine Reyes sa press conference ng pelikulang Kidnap for Romance na naganap nitong Huwebes ng hapon, August 17, 2023.

Read: Cristine Reyes describes Marco Gumabao as "perfect boyfriend"

Hindi naging maramot si Cristine sa pagsagot, pero nanindigan siyang gusto niyang maging pribado ang pagmamahalan nila ni Marco.

Saad niya, “Happy, happy. I’m happy and it’s something fresh and I want to somehow keep it low [profile].

“Mas maganda yung chill lang yung life. Hindi masyadong pinag-uusapan.

"Medyo gusto ko lang kapag medyo ganoong bagay private."

Ayon kay Cristine, 'time" ang itinuturing niyang love language dahil halos wala na siyang panahon sa sarili.

“Time ang love language [ko]. Gusto ko naman na love language na matanggap ko, same din — time.

“Feeling ko, right now, nasasabi ko yan kasi sobrang busy ako sa work. Kasi wala talaga akong oras sa lahat ng mga okasyon, hindi ko napupuntahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang sad, nami-miss mo yung birthdays. Nami-miss mo yung events.

"Sila nakikita mo sa Facebook, may pictures.

"So, yun ang love language ko, siguro time talaga," pahayag ng aktres.

Read: Cristine Reyes on boyfriend Marco Gumabao: “Definitely not Tropa anymore.”

Si Empoy Marquez ang leading man ni Cristine sa Kidnap for Romance, ang comedy movie na mula sa direksiyon ni Victor Villanueva at ipalalabas sa mga sinehan sa September 6, 2023.

Natapos ang shooting nina Cristine at Empoy para sa kanilang pelikula bago nagsimula ang taping ng aktres para sa Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, ang drama series ng TV5 at Viva Television na pinagbibidahan nila nina Marco at Cesar Montano.

Hindi umano nagkaroon ng problema sa kanyang schedule.

Saad ni Cristine, “As much as possible, alam naman ng management ko na i-manage yung time, scheduling.

"Kaya nga minsan, may ibang projects na hindi ko nagagawa kahit gusto kong gawin. Sacrifice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Excited ako na nakatrabaho ko si Empoy.

"Paborito ko sa lahat talaga ang gumawa ng comedy [projects] kaya nag-enjoy ako sa movie na ito, kahit puyatan kami.

"Kahit umaga na kami natatapos, energetic pa rin talaga ako."

Unang nakatrabaho ni Cristine si Empoy sa Kahit Isang Saglit, ang drama series ng ABS-CBN na napanood mula September 2008 hanggang December 2008.

Buhat noon, naging komportable na si Cristine kay Empoy. Pero natuklasan niya ang ibang ugali ng komedyante nang muli silang magkasama sa Kidnap for Romance.

empoy marquez cristine reyes

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagulat ako, si Empoy napaka-prim and proper sa set.

"Hindi nagpapatawa sa set, seryoso yan. Kagalang-galang.

"Yun ang na-amaze ako kay Empoy.

"May natural rapport kami ni Empoy even before this started, before filming this, every time na magkikita kami, parang magkaibigan talaga kahit hindi naman kami magkaibigan.

"For the record, hindi kami magkaibigan,” nagbibirong deklarasyon ni Cristine.

Patuloy niya, “Kapag kampante ako, medyo mas open ako sa tao.

"I’m very comfortable with him, around him. Parang I don’t feel anything na uptight ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes on relationship with boyfriend Marco Gumabao: "I’m happy and it’s something fresh and I want to somehow keep it low [profile]. Mas maganda yung chill lang yung life. Hindi masyadong pinag-uusapan. Medyo gusto ko lang kapag medyo ganoong bagay private."
PHOTO/S: Viva Films / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results