PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval, "comfy" sa love scenes nila ni Aljur Abrenica sa 'Sugapa'

AJ Raval, balik-Vivamax pagkatapos ng siyam na buwan.
by Jojo Gabinete
Published Aug 18, 2023
aljur abrenica aj raval sugapa
AJ Raval on reunion project with boyfriend Aljur Abrenica: “Sa Nerisa po, that time po kasi, magkuya lang naman yung roles namin saka also, magkuya rin naman talaga kami that time. Dito naman [sa Sugapa]... medyo naging comfortable lang ako dito kasi si AJ [palayaw ni Aljur] yung partner ko."
PHOTO/S: Vivamax

Makalipas ang siyam na buwan, muling mapapanood si AJ Raval sa Vivamax.

Magsisimula sa August 25, 2023 ang streaming ng Sugapa, ang kanyang comeback movie na pinagbibidahan nila ng real-life boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Ang Us x Her, na ipinalabas sa Vivamax noong November 2022, ang huling pelikula ni AJ bago ito nawala sa sirkulasyon para tapusin ang kanyang pag-aaral.

Read: AJ Raval graduates from high school at 22

Sinabi ni AJ sa digital media conference ng Sugapa ngayong Biyernes ng hapon, August 18, na na-miss niya ang pag-arte, kasunod ang paglilinaw na sandali lamang ang kanyang pagpapahinga mula sa showbiz.

Saad ng sexy actress, “Na-miss ko po yung acting, pero yung pagkawala ko po, for how many months lang po. Nagpahinga.

“Marami po akong nagawa, nag-aral po ako, nag-graduate po ako at saka, marami rin po akong inaral na bago."

Nagtapos ng high school si AJ noong July 2023 sa pamamagitan ng Alternative Learning System, at desidido siyang ipagpatuloy ang kanyang college studies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong kurso ang balak niyang kunin sa kolehiyo?

“Siguro po yung ganitong plans po, ayokong pag-usapan muna sa public,” sagot ni AJ.

Ang Sugapa ang ikalawang pelikula na ginawa nina AJ at Aljur. Una silang nagkasama sa 2021 Vivamax movie na Nerisa.

Read: AJ Raval on relationship status with Aljur Abrenica: “Masaya kami sa mga situation namin.”

Ayon kay AJ, nagkatulungan sila ni Aljur habang ginagawa nila ang Sugapa, na ibang-iba sa kanilang sitwasyon nang magtambal sila sa Nerisa.

“Sa Nerisa po, that time po kasi, magkuya lang naman yung roles namin saka also, magkuya rin naman talaga kami that time.

“Dito naman [sa Sugapa], sa mga love scene, may awkwardness.

“Actually, hindi naman mawawala yung awkwardness sa lahat ng love scenes, kahit sino ang kasama mo.

"Medyo naging comfortable lang ako dito kasi si AJ [palayaw ni Aljur] yung partner ko.

"Also nandiyan sina Direk Law [Fajardo], yung assistant director namin, gina-guide talaga kami. Imagine, habang nagla-love scene kami, nandiyan yung direktor, sinisigawan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Comfy kami kasi wala nang walls sa amin, sa isa’t isa. Yung feelings namin, nailalabas namin kung ano yung totoo,” pahayag ni AJ.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on reunion project with boyfriend Aljur Abrenica: “Sa Nerisa po, that time po kasi, magkuya lang naman yung roles namin saka also, magkuya rin naman talaga kami that time. Dito naman [sa Sugapa]... medyo naging comfortable lang ako dito kasi si AJ [palayaw ni Aljur] yung partner ko."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results