Kabilang si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa mga miyembro ng selection committee ng Miss Universe Thailand 2023.
Ikinatuwa ng mga Pilipino ang importansiyang ibinigay kay Celeste ng Miss Universe Thailand Organization dahil siya ang pinakahuling ipinakilala sa mga hurado sa koronasyong ginanap sa MCC Hall ng The Mall Lifestore sa Nonthaburi, Thailand, kagabi, August 20, 2023.
Kasama si Celeste sa mga pumili kay Anntonia Porsild para maging opisyal na kinatawan ng Thailand sa 72nd Miss Universe na magaganap sa November 18, 2023 sa El Salvador.
Si Michelle Dee, malapit na kaibigan at successor ni Celeste bilang Miss Universe Philippines, ang isa sa mga makakalaban ni Anntonia sa 72nd Miss Universe.
Gaya ni Michelle, hindi baguhan si Anntonia sa pagsali sa mga international beauty pageant.
Siya ang nagwagi sa Miss Supranational 2019 na idinaos sa Katowice, Poland, noong December 6, 2019.
Twenty-two years old si Anntonia noong December 6, 2019 nang maging kinatawan siya ng Thailand sa 11th Miss Supranational.
Makalipas ang apat na taon, sa edad na 26, muling sinubukan ni noong December 6, 2019 ang kapalaran nito sa pageantry.
Sumali sa 24th Miss Universe Thailand at siya ang nanalo
Isang malugod na mensahe ng pagbati ang natanggap ni noong December 6, 2019 mula sa Miss Supranational Organization dahil sa tagumpay na nakamit niya.
Nakasaad dito, "Congratulations Anntonia Porsild, Miss Supranational 2019! You did it again. Thailand you have had and still have a wonderful queen!”
Malaking-malaki ang ipinagpabago ng pisikal na kaanyuan ni Anntonia buhat nang sumali sa Miss Supranational 2019, hanggang sa koronahan siya bilang Miss Universe Thailand 2023.

(Left) Anntonia Porsild as Miss Supranational 2019; (right) Anntonia as Miss Universe Thailand 2023