PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bacolod Dreamer: Director Lawrence Fajardo

Direk Lawrence Fajardo, napaiyak sa mga eksena sa 'Sugapa.'
by Jojo Gabinete
Published Aug 23, 2023
lawrence fajardo aj raval aljur abrenica sugapa
Director Lawrence Fajardo (left) admis that his latest film 'Sugapa,' starring real-life couple Aljur Abrenica and AJ Raval (right), is very personal because it reminds him of his struggles and pain after leaving Bacolod to pursue his dream of becoming a director.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Vivamax

Tungkol sa mga nangangarap magkaroon ng magandang buhay kaya lumuwas sa siyudad pero nakaranas ng mga pagsubok at may mga isinakripisyo ang kuwento ng Vivamax movie Sugapa.

Napaiyak ang direktor ng pelikula na si Lawrence Fajardo dahil nakita niya ang sarili sa mga karakter na ginampanan nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Read: AJ Raval, "comfy" sa love scenes nila ni Aljur Abrenica sa 'Sugapa'

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ng entertainment press at ng mga artista sa pelikula ang pagluha ni Direk Lawrence, dala ng sobrang pangungulila sa kanyang ina.

Nagmula si Direk Lawrence sa Bacolod. Sa kagustuhang matupad ang pangarap maging direktor, lumuwas siya sa Maynila kaya nawalan siya ng panahon para sa kanyang mga magulang.

Lahad ng direktor, “Ako, galing from Bacolod so, in a way, parang personal story ko na rin itong Sugapa. Isa rin ako sa mga nangarap, nag-ambisyong maging filmmaker.

“Nakuha ko yung dream kong maging filmmaker, pero ang kapalit, since namatay na yung mommy ko, ang kapalit is parang kung iisipin ko, twenty years ago kung nag-stay ako sa Bacolod, siguro na-experience ko pa rin yung mother ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s a bittersweet sad reality. Sabi nga sa kanta ni John Lennon, 'life is what happens to you when you are making other plans,'" pagtukoy niya sa lyrics ng "Beautiful Boy," ang 1980 song ni John Lennon.

Patuloy niya, “Ako, during that time, hindi ko iniisip yung family, parents.”

Sa puntong ito ay napaiyak si Direk Lawrence kaya humingi siya ng paumanhin sa mga dumalo sa digital media conference ng Sugapa.

“Sorry, napapaiyak ako. Iniwan ko yung parents ko because of my dream, makamit yung gusto mong gawin.

“Meron na kami, pero sometimes the city can be cruel. Nung pumunta ako dito, nagutom din ako. Parang ganoon din yung film na ito.

“About ambition, kung anong gusto mo sa huli. But the city can really be dangerous and merciless sa lahat. Kasi lahat ng bagay, hindi mo rin makukuha, may kapalit.

“Because lahat ng ito ay nag-gamble ka, tumaya ka sa buhay mo, tumaya ang puso mo sa lahat ng bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We all have different fate. We all have different story.

"It really depends kung anong klaseng ending ang makakamit mo dito sa siyudad. Yan ang Sugapa.

Muling inihingi ng paumanhin ni Direk Lawrence ang hindi inaasahan na pag-iyak dahil sa matinding pangungulila sa kanyang sumakabilang-buhay na ina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Lawrence Fajardo (left) admis that his latest film 'Sugapa,' starring real-life couple Aljur Abrenica and AJ Raval (right), is very personal because it reminds him of his struggles and pain after leaving Bacolod to pursue his dream of becoming a director.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results