PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC Santos, may "Jaclyn Jose moment" sa 'Wish You Were The One'

Acting ni JC Santos sa isang eksena, mala-Jaclyn Jose.
by Jojo Gabinete
Published Aug 26, 2023
jc santos jaclyn jose moment
Sa isang eksena ni JC Santos (kaliwa) sa pelikulang 'Wish You Were The One,' maaalala ng mga manonood ang eksena ni Jaclyn Jose (kanan) na umiiyak habang kumakain ng fishball sa 'Ma' Rosa.'

May "Jaclyn Jose" moment si JC Santos sa isang eksena nito sa Wish You Were The One kung saan umiiyak siya habang kumakain ng cake.

Maihahalintulad ito sa outstanding performance ng aktres na si Jaclyn Jose sa Ma’ Rosa, ang 2016 drama movie na nagbigay sa kanya ng best actress award sa 69th Cannes Film Festival noong May 2016.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Naniniwala si Jaclyn na ang eksenang umiiyak siya habang kumakain ng fishball ang nagpanalo sa kanya ng best actress sa 69th Cannes dahil ito ang tumatak nang husto sa isipan ng festival jurors.

Malaki rin ang tsansa ni JC na magkaroon ng acting nomination at magwaging best actor sa susunod na taon sa iba’t ibang award giving-bodies dahil sa kanyang mahusay na pagganap, lalo na sa eksenang umiiyak siya habang kumakain ng cake, sa Wish You Were The One.

“Thank you! Thank you!” sambit ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni JC sa lahat ng mga pumupuri sa magandang kuwento ng pelikula nila ni Bela Padilla at sa kanilang mahusay na pagganap.

Read: Drama stars Bela Padilla at JC Santos, pinatunayang kaya ring magpatawa

“Nagulat ako. Lahat ng nangyari sa pelikulang yon, itinawid namin and, I think, nag-work siya, lahat ng ginawa namin ni Bela. Pero iba yung ginawa ni Direk Derick Cabrido.

“Sabi ko, paano kaya itatawid yung ending namin na sobrang sakit and then, sobrang nagulat ako. I’m so proud of our director,” tuwang-tuwa na pahayag ni JC, na masayang-masaya pagkatapos mapanood ang kabuuan ng Wish You Were The One.

Nagpasalamat si Direk Derick sa papuring kanyang narinig mula kay JC, pero iginiit nitong maganda ang kanilang pelikula na pinaghirapan dahil mahuhusay ang lahat ng mga artista niya.

“For me, lagi kong sinasabi, it’s a collaboration kapag gumawa ng isang pelikula.

"Kahit gaano kaganda ang materyal mo or kahit gaano kagaling ang direktor whatsoever, kapag hindi magaling ang mga artista mo, yung cast, hindi mabubuo. Hindi mo mabibigyan ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“There’s so much that a director can do but, at the end of the day, it’s the actors pa rin,” pahayag ng direktor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang eksena ni JC Santos (kaliwa) sa pelikulang 'Wish You Were The One,' maaalala ng mga manonood ang eksena ni Jaclyn Jose (kanan) na umiiyak habang kumakain ng fishball sa 'Ma' Rosa.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results