PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis, sumabak sa boot camp ng 201st Infantry Kabalikat Brigade

Anne Curtis at Gerald Anderson, magsasama sa pelikula ni Erik Matti.
by Jojo Gabinete
Published Sep 4, 2023
Anne Curtis new action movie with Erik Matti
Pinaghahandaang bagong action movie ni Anne Curtis, kunektado sa 'BuyBust'? Director Erik Matti, isa-isang pinapakita kay Anne ang litrato ng mga kasama sa pelikula.
PHOTO/S: @erikmatti Instagram

Ang boot camp training niya sa 201st Infantry Kabalikat Brigade sa lalawigan ng Quezon ang dahilan kaya ilang araw nang hindi napapanood si Anne Curtis sa It’s Showtime.

Kasama sa boot camp training si Gerald Anderson dahil siya ang co-actor ni Anne sa hardcore action at original series na pamamahalaan ng premyadong direktor na si Erik Matti.

Puspusan ang paghahanda ni Anne para sa kanyang action series na magsisimula sana ang shooting sa September 25, 2023.

Pero nagdesisyon ang executives ng Reality MM Studios na umpisahan sa susunod na buwan, October 2023, ang prinicipal photography ng kanilang proyekto na isa sa mga pinakamagastos.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Reality MM Studios executives tungkol sa ibang mga artista na makakasama ni Anne, pero importante na aligned o walang conflict sa araw na puwedeng mag-shooting siya ang schedule ng mga aktor na makakatrabaho niya.

Sa Instagram post ni Matti, sinabi nito na mahalaga na pamilyar ang bidang artista sa mga aktor na kasama sa proyekto, kahit wala silang mga eksena na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In a series that runs for several episodes, there are so many characters that the protagonist needs to be familiar with.

"And with the story threads going in so many directions, characters may not even meet each other. They may know of each other in the story but their lives may not even intersect with each other.

"It’s just best that actors and their characters know of all the characters, who is who, that move the story to where it’ll eventually go in the world that they exist in."

Ito raw ang dahilan ng diskarte ni Erik na ipakita kay Anne ang larawan ng mga artista na magkakaroon ng partisipasyon sa kanilang proyekto, kahit pa hindi niya makaeksena ang mga ito.

Hindi pa sinasabi ng mga producer ng action series na pangungunahan ni Anne ang pamagat ng kanilang proyekto, pero may mga nagsasabi na maaaring karugtong ito ng BuyBust, ang 2018 action movie na pinagbibidahan niya at tinangkilik ng manonood nang ipalabas sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng kanyang boot camp training para sa original series, pinaghandaan noon ni Anne ang mga action stunt nito sa BuyBust sa pamamagitan ng matitinding ensayo sa Scout Ranger Training School kaya natutunan niya ang knife fighting at Pekiti-Tirsia Kali, isang uri ng combat-oriented system.

Read more stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinaghahandaang bagong action movie ni Anne Curtis, kunektado sa 'BuyBust'? Director Erik Matti, isa-isang pinapakita kay Anne ang litrato ng mga kasama sa pelikula.
PHOTO/S: @erikmatti Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results