Noong Miyerkules ng gabi, September 6, 2023, may intriguing Facebook post si Quezon City District V Councilor Aiko Melendez na binura niya rin agad kaya lalong marami ang naintriga.
“Dios Mio JP wag ka masyadong mayabang… wala ka pa napapatunayan [sa] industriya para maging mayabang!
"Lord turuan nyo naman itong bagets nato matutong makisama. Di porket bida ka attitude ka. Very wrong!
"Seminar ka muna para maging mabait ka," pangaral ni Aiko sa taong initials lamang ng pangalan nito ang kanyang inilagay.
Read: Aiko Melendez weighs in on issue about snobbish celebrities: “Fame is all temporary.”

Malakas ang mga hinalang kapwa artista ang tinutukoy ni Aiko, at maaaring may kinalaman ang anak niyang si Andre Yllana sa desisyon ng actress-politician na burahin ang intriguing Facebook post niya.
Speaking of Andre, ang maiwasto ang spelling ng pangalan nito ang isa sa mga kahilingan ni Aiko para sa ika-25 taong kaarawan ng anak nila ni Jomari Yllana.
Ngayong Huwebes, September 7, ang kaarawan ni Andre.
Madalas naisusulat na "Andrei" ang pangalan ni Andre kaya ipinaalaala ni Aiko na walang letrang "i" ang pangalan ng kanyang panganay na anak.
View this post on Instagram
Single o walang girlfriend si Andre sa kasalukuyan dahil gusto raw niyang pagtuunang mabuti ang acting career.
"I am really focusing on my craft pero kung dumating [ang love life], why not?
"Hindi naman natin puwedeng pigilan ang bugso ng damdamin pero focus muna ako sa craft," pahayag ni Andre sa press conference ng Safe Skies, Archer.
Read: Jomari Yllana, ibinuking kung bakit ayaw pang mag-girlfriend ng anak na si Andre
Ang Safe Skies, Archer ay original series na tinatampukan nila ng original cast ng The Rain in España at nina Jerome Ponce, Jairus Aquino, Krissha Viaje, at Hyacinth Callado.

Sunud-sunod ang mga acting project ni Andre dahil bukod sa Safe Skies, Archer, siya ang lead actor sa "May Minamahal," ang upcoming episode ng For The Love, ang Saturday afternoon romance anthology ni Pops Fernandez sa TV5.
Coincidentally, May Minamahal ang pamagat ng romantic-comedy drama film na pinagbidahan ni Aiko noong 1993 at isa sa mga official entry sa 19th Metro Manila Film Festival.
Nang tanungin tungkol sa mga payo ng kanyang ina tungkol sa showbiz career niya, sinabi ni Andre na “very stage mom” si Aiko.
Kuwento pa niya, “Nung panahon ni Mommy, iba rin yung panahon ngayon.
"So, ang gusto niyang mangyari sa akin, parang panahon niya.
"Pero siyempre ako, bilang Andre, 'Ma, iba na ngayon.’ Yung typical na ganoon.
"Pero super laking factor ni Mommy sa buhay ko dahil kapag may mga hindi ako masagot na tanong, siya ang tinatanong ko.”