Ang uncolnditional love ni Bunny Paras sa anak na si Moira Greenway ang rason kaya pumayag ang dating aktres na mapalayo sa kanya at manirahan sa Florida, USA, ang anak niyang may karamdamang Friedreich Ataxia.
Read: Bunny Paras so proud of daughter Moira for rising above her disability
Naninirahan sina Bunny at ang mister niyang si Tom Greenway sa California, ngunit bumili sila ng bahay sa Florida para tirhan ni Moira at ng boyfriend nitong si Nick Asbury.
Ang sobra-sobrang pagmamahal kay Moira ang dahilan ng hindi pagtutol ni Bunny na makipagrelasyon ang anak dahil isa ito sa mga katuparan ng mga dasal niya.
Sabi ni Bunny sa exclusive interview ng Cabinet Files, “Miss ko si Moira, pero I want her to be happy with Nick kasi one of a kind din ang boyfriend niya.
"Talagang mahal siya kahit ang dami nilang pinagdadaanan na health challenges.
“Si Nick helps a lot. Siya ang kasama sa clinical trial ni Moira. Ina-update niya ako.
"Kasi after makulong sa hospital ng three weeks, she’s finally back in the hotel. Pero every other day, balik ulit sila sa hospital."
Kuwento pa niya, "Yung pagbili namin ng bahay for Moira is because para magkaroon siya ng handicap accessible home na, buti na lang, handyman si Nick.
“Marunong siyang mag-ayos ng bahay para kahit wheelchair-bound si Moira, nakakakilos pa rin siya.
“Hindi nakakalakad si Moira pero pinapaliguan siya ni Nick.
"Answered prayers pa rin talaga yung may partner si Moira sa buhay na nag-aalaga sa kanya kasi I used to be her caregiver for the longest time.
“Pero ang prayer ko naman, narinig ng Diyos, to give her someone na kasama niya sa buhay, which is happening right now. A wonderful partner.
“Parang pinakinggan din ng Diyos na, ‘Teka, Moira will fall in love with someone and they will be okay.’
“Kinakaya nila ang life, living as handicap couple. For me, that’s true love.
"You look beyond the disability. Mahal mo yung tao because of her love and her strength."
Read: Moira Greenway says she won't change a thing despite disability: "I really, really like who I am."
BUNNY'S PRAYER FOR MOIRA
Hindi nawawalan ng pag-asa si Bunny na darating ang araw na may gamot na matutuklasan para sa kapansanan ng anak nila ng dating karelasyon niyang si DJ Mo Twister.
Sa kabila ng mga pinagdaraanan ng kanilang pamilya dahil sa kundisyon ni Moira, hindi nababawasan ang matindi at taimtim na pananalig ni Bunny sa Panginoong Diyos na ipinagkakaloob ang lahat ng mga ipinagdarasal niya.
Read: Bunny Paras stays strong in face of daughter Moira's clinical trial for rare illness
Saad niya, “My prayer for Moira is to continue to be strong and to be a fighter kasi we know naman na wala nang ibang nagmamahal sa kanya kundi kami, ang asawa ko and her partner in life right now.
“Alam mo naman yung situation ko sa biological father, which is sad. Pero hindi na ako umaasa sa part na yan, but it is what it is.
“Ang prayer ko lang, itong drug na ito can prolong her life, help her to be strong.
“Gusto ko siyang makita someday na naigagalaw niya yung katawan niya, yung paa at legs niya.
“Imagine, if you are willing and able, ang dami mo pang magagawa sa buhay, di ba?
“Siya, parang ang hirap to become Moira. Ang hirap to be sick like her.
“I pray that Moira will continue to inspire other people. I pray for her safety always.
“I pray na kung anuman yung reason bakit siya may sakit, bakit pa ang anak ko na ang bait-bait, bakit siya pa yung makaranas nang ganito.
"I pray na kayanin niya yung mga pagsubok na ito right now kasi parang it’s all in God’s hands.
“Ginagawa naman namin ang lahat to help to make it easier for her.”