Kasama si Iza Calzado sa dalawampu’t isang artista na ipinakilala ng Regal Entertainment Inc. bilang mga bida sa Shake, Rattle & Roll Extreme.
Naganap ang cast reveal ng bagong horror movie ng Regal sa Regal Events Place, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 27, 2023.
Ang Shake, Rattle & Roll Extreme ang hudyat ng pagbabalik-pelikula ni Iza mula nang isilang niya noong January 26, 2023 si Deia Amihan, ang panganay nila ng kanyang asawa na si Ben Wintle.
Read: Iza Calzado shares partial glimpse of baby Deia Amihan
"Parang hindi nanganak," reaksiyon ng entertainment press nang masilayan nila si Iza sa idinaos na cast reveal.
Mabilis kasing bumalik sa dati ang hugis ng kanyang katawan.

“It’s been over a year since I had to take a pause and announce, of course, the comeback is real,” sabi ni Iza nang hingan ng pahayag tungkol sa muling paggawa niya ng pelikula.
“Ang bilis, parang hindi ako masyadong nagpahinga. Ang ganda lang, ang pagbabalik ng Shake, Rattle & Roll, pagbabalik ko rin sa pelikula.
“It feels great to be back working and my expectations, honestly, kapag gumagawa ako ng isang proyekto, ayokong masyadong maglagay ng expectations kasi nakaka-pressure. Let’s enjoy the day.
“Ako, I enjoyed the process of making the film. I enjoy this, being with all of you today, promoting the film,” pahayag ni Iza.
Read: Iza Calzado, balik-showniz matapos manganak; nag-host ng Miss Ormoc 2023
May dasal din ang aktres para sa industriya ng pelikulang Pilipino at hindi lamang para sa tagumpay ng kanyang comeback movie.
“Ang dasal, ang aking hiling sa Panginoon ay sana marami ang makapanood ng pelikulang ito.
“Actually, ang hiling ko is beyond Shake, Rattle & Roll Extreme.
“It’s for the entire industry na sana magbalik na ang ating mga kapwa Pilipino sa panonood ng sine, ng pelikula.
“Starting ngayon po, ang opening ng A Very Good Girl, tayo po ay nananalig because ang tagumpay po ng isang pelikula ngayon really will signify the coming back to life of Philippine Cinema.
"So that’s really my fervent prayer,” sabi ni Iza, na malaki ang pagmamahal at pagmamalasakit sa industriya na mabuti sa kanya at naging instrumento para matupad ang lahat ng mga pangarap niya sa buhay.