PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Child actress Althea Ruedas, nakaranas ng rejection sa murang edad

Child actress Althea Ruedas, nakaranas ng rejection sa murang edad
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2023
althea ruedas instant daddy
Althea Ruedas on acting: “Masaya ang experience sa pag-aartista kasi gustung-gusto ko po talaga. Kapag wala po akong shooting, hinahanap po ng katawan ko... Hindi po ako pinilit mag-artista. Actually, ako po yung pumilit kina Mama. Na-amaze po ako kung paano umarte ang mga artista. Paano nila nagagawa yung isang karakter kahit hindi naman po sila yon.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sa edad na tatlo, naranasan ng child actress Althea Ruedas ang rejection dahil hindi siya natanggap sa mga sinalihan niyang audition para mga commercial.

Read: 12 things to know about Doll House child actress Althea Ruedas

Pero hindi ito naging hadlang para mawalan ng pag-asa ang child actress na napansin ang mahusay na pagganap sa Doll House, ang pelikulang tinangkilik ng Netflix viewers.

Si Althea ang gumaganap na anak ni Jerald Napoles sa Philippine adaptation ng Mexican movie na Instant Daddy.

“I started at three years old po,” umpisang kuwento ng 10-year-old actress tungkol sa pagsisimula ng kanyang showbiz career.

“Nung three years old po ako, six months na sumasali ako sa mga audition sa commercials, wala po talagang tumatanggap sa akin.

“Then may tumanggap po sa akin, isang fastfood brand, binigyan po nila ako ng tatlong projects.”

Kinumpirma ng nanay ni Althea ang mga rejection na naranasan ng kanyang anak, pero ito raw ang mapilit na huwag silang sumuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng ina ni Althea, “Marami na po ang auditions na sinalihan niya. Ayoko na nga po, siya lang ang may gusto.

"Kapag hindi siya natatanggap, mas naaapektuhan ako. Sabi ko, ‘Anak, hindi ka nakuha.’

“Sabi niya, 'Okay lang po, may next pa po.'"

Reaksiyon naman ni Althea, “Nung three months na po kaming nag-a-audition, sabi ni Mama, ‘Anak, ang dami na nating sinalihan, wala naman kumukuha sa yo. Tigilan na natin ito.’

“Sabi ko, ‘Mama, intay-intay lang po. Meron din yan, mag-pray lang tayo.”

Nagdilang-anghel si Althea dahil natupad ang kanyang pangarap makagawa ng mga TV commercial at maging child star.

Ang pagsali sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga! noong 2019 at sa "Little Miss Diva" noong 2022 ang dalawa sa mga paraan kaya napansin ang acting at singing abilities ni Althea.

Itinanghal na first runner-up si Althea sa "Little Miss Philippines 2019" at siya ang grand champion sa "Little Miss Diva" noong nakaraang taon dahil sa kanyang talent sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

althea ruedas miss little diva

Ngayong naabot na niya ang ambisyong maging bahagi ng entertainment industry, hinahanap-hanap ni Althea ang pag-arte sa mga panahong hindi siya abala sa paggawa ng pelikula at mga guesting sa telebisyon.

“Masaya ang experience sa pag-aartista kasi gustung-gusto ko po talaga. Kapag wala po akong shooting, hinahanap po ng katawan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dati po, nung wala akong shooting, sabi ko kay Mama, 'Mama, maghanap ka nga po ng mapagsyusyutingan. Yung commercials po.'

“Hindi po ako pinilit mag-artista. Actually, ako po yung pumilit kina Mama.

“Na-amaze po ako kung paano umarte ang mga artista. Paano nila nagagawa yung isang karakter kahit hindi naman po sila yon,” sabi ni Althea, na daig pa ang matanda sa pagsasalita dahil sa kanyang hinog na pag-iisip.

Nang tanungin kung kanino nagmana ang kanyang golden voice, sumagot si Althea na malaking tulong ang mga itinuro ng tatay niya.

Aniya, “Si Dad ko po nagbabanda dati, drummer po siya, hindi singer.

"Pero yung mga ginagawa po ng vocalist nila, itinuturo niya sa akin ang techniques.”

Kumusta ang pagsasama nila ni Jerald sa Instant Daddy na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Oktubre 11, 2023?

Sabi ni Althea, “Ang saya po because all the time, he makes jokes po.

"Tinutulungan niya po ako kapag nahihirapan po ako sa parts na nabibilisan ko ang pagsasalita. Sinasabihan niya ako ng ‘Idahan-dahan mo lang ‘yon.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang ikinumpara ni Althea si Jerald sa kanyang ama dahil sa “corny jokes” ng dalawa.

“Minsan po, ang jokes ni Kuya Je, corny, e. Si Papa po, laging corny po ang jokes niya.

“Parang hindi nakakatawa ang jokes na sinasabi ni Papa. Alam niya po sarili na hindi nakakatawa pero sinasabi pa rin po niya,” pambubuko ni Althea sa sariling ama.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Althea Ruedas on acting: “Masaya ang experience sa pag-aartista kasi gustung-gusto ko po talaga. Kapag wala po akong shooting, hinahanap po ng katawan ko... Hindi po ako pinilit mag-artista. Actually, ako po yung pumilit kina Mama. Na-amaze po ako kung paano umarte ang mga artista. Paano nila nagagawa yung isang karakter kahit hindi naman po sila yon.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results