"Lollipops" ang gusto ni Pops Fernandez na itawag sa kanya ng unang magiging apo nila ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera mula sa kanilang panganay na si Robin Nievera.
Read: Pops Fernandez finds peace, healing and closure amid "modern family"
Si Pops ay talent na ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment, matapos pumirma ng exclusive contract nitong Biyernes nang hapon, Setyembre 29, 2023.
Dito siya nagkuwento tungkol sa paparating na bagong miyembro ng kanilang pamilya.
“Yes, I will be a lolli!" excited na sabi ni Pops.
"Pina-practice ko na sa sarili ko na magiging lolli na ako, Lollipops.
“Magiging lolli na ako although hindi halata, right? Dati kasi ang daming nagtatanong, ‘Hindi ka pa ba magkakaapo?’ Bakit ninyo ako tinatanong, hindi naman decision ko yon.
"So, finally, I get to join the bandwagon of yung colleagues ko na meron na rin grandchildren. I am excited!
"Well, we have announced it on my vlog and on Instagram that we’re expecting to be a lola and a lolo, care of of course of Kuya [Robin] and his girlfriend.
"So, we’re very excited for the new addition in our family.
“That’s gonna happen very soon, either latter part of this year or early next year."
Umasa si Pops na babae ang unang apo niya, pero hindi ito natupad dahil lalake ang kasarian ng magiging anak ni Robin at ng girlfriend nito.
“Nag-gender reveal na, boy. Gusto ko sana girl, alam naman nila yon. Na-announce ko na yon kay Kuya at sa kanyang girlfriend and sa family.
“But of course, a baby is a baby, and as long as he is healthy, such a blessing, and we can’t wait to meet our new baby boy in the family,” sabi ni Pop.
Read: Pops Fernandez, naka-bonding ang past at present loves ni Martin Nievera

WHY "LOLLIPOPS"?
Ikinuwento rin ni Pops ang reaksiyon ni Martin nang malaman nitong "Lollipops" ang itatawag ng kanilang apo sa kanyang dating asawa.
“The last time we were together, ang sabi niya, ‘Ang daya. Kayo meron nang tawag.’ Sabi ko, 'Mag-isip ka.'”
Ayon kay Pops, isang kaibigan niya ang nakaisip noon na "Lollipops" ang itawag sa Concert Queen ng Pilipinas kung sakaling maging lola na ito.
Kuwento niya, “Actually, my friend, a long time ago, so it got stuck in my mind.
"Sabi ko, 'Ay, maganda yan.' Kapag naging granny na ako, gusto ko ang tawag sa akin, Lollipops, so I will be a lollipops very soon.”
Handang-handa at sabik na sabik na si Pops na makita ang kanyang unang apo at naniniwala siyang magiging spoiler siyang lola.
“At least, we’re still young enough to enjoy the baby. Andiyan na nga.
"Ang balita ko kasi, mas exciting kapag apo, so I can’t wait to experience that.
"Actually kung girl, naplano ko nang mag-twinning kami. But even if he’s a boy, that won’t stop me.
"Twinning pa rin kami siyempre. Kung ano ang color ko. Color din niya," sabi niya.
OPEN TO DOING MOVIES AGAIN
Dahil exclusive contract star na siya ng Viva Films, bukas si Pops sa posibilidad na muling gumawa ng mga pelikula.
Labimpitong taon na ang nakalilipas mula nang mapanood siya sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh, na official entry sa 32nd Metro Manila Film Festival noong December 2006.
Saad ni Pops, "Hopefully, we get to do something again sa big screen. Siguro trial muna. Gusto kong mag-try lang muna and let’s take it from there.
“Hindi pa ako sure kung yan talaga ang ipagagawa sa akin. Nagparinig lang ako. Sinabi ko lang na medyo light.
"Ayoko na kasing umiiyak at sobrang drama. Galing na ako doon in real life!" natawang sabi ni Pops.
Dagdag niya, “Mother roles? I’ve already done that in the past and I don’t mind.
"Mother naman talaga ako at saka I started early kaya malalaki na rin ang mga anak ko. So, very possible.”
Kinumpirma ni Viva Chairman Vic del Rosario sa naganap na contract signing na may plano siyang bigyan ng mga pelikula ang singer-actress na isa sa mga icon ng Philippine showbiz.
Ani Boss Vic, “Si Pops kasi andiyan pa pero hindi full-time. So, nung nagkita kami, sabi ko, 'Why don’t you go back sa movies? Umarte ka.'
“Eto nga, ginawan namin yung sa TV5, For The Love. Magaling na host, one of the best hosts natin.
"Plano din namin na mag-recording at makakuha ng maraming endorsements.”
Read: Pops Fernandez, balik-hosting sa 'For The Love' ng TV5