Hindi inililihim ni Mikee Quintos na "boyish" siya.
Napakinabangan ni Mikee ang nabanggit na karakter niya nang magtapat siya kay Alden Richards ng kanyang tunay na nararamdaman nang magkasama sila sa The Gift, ang 2019 primetime series ng GMA-7.
Si Mikee at ang kanyang guy best friend na si Mikoy Morales ang mga bisita sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes ng hapon, October 2, 2023.
Buong tapang niyang inamin sa "Talk or Dare" segment ng programa na umasa siya noong magkakaroon ng relasyon kay Alden.
Sabi ni Mikee, “Alam naman ni Paul [Salas, her boyfriend] ito. Si Richard po… si Alden kaya alam niya [Mikoy] yon, magkakasama kami sa tent.”

"Resolved na?" tanong ni Boy.
Sagot ng Kapuso actress, “Yes, we talked about it. Okay naman, we’re good friends pa rin.
“Buong show, imagine niyo po, magkaka-tent kami, kaming tatlo.
"And nakilala ko yung pagkatao niya na sweet siya, mabait siya, kung gaano ka-genuine, sobrang God-fearing.
"And I just had to try to express whatever I was feeling, I couldn’t explain it so I did express, but it wasn’t reciprocated.
"Sinabi ko yon straight up. I think, ngayon nakikita ko na ang worth ng tapang ko. Hindi siya something na ikakahiya ko.
"Ang sarap din, I grew from it, I learned a lot from it. It’s an experience,” reaksiyon ni Mikee matapos sabihin sa telebisyon ang naramdaman niyang pagkahumaling noon kay Alden.