Ibinahagi nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang hindi makalilimutang karanasan nang inabutan sila ng pag-uumpisa ng pagsalakay ng Hamas militants sa Israel noong nakaraang Sabado, October 7, 2023.
Kasama ang komedyanteng si Boobay, lumipad sina Rayver at Julie Anne sa Israel noong Oktubre 3, 2023 dahil sila ang mga headliner sa Luv Trip Na, Laff Trip Pa, ang concert sa Smolarz Auditorium ng Tel Aviv University na magaganap dapat noong Oktubre 7 pero kinansela bunga ng digmaang nangyari.
Read: Grupo nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, narinig ang mga pagsabog sa Israel
Sa guesting nila sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes, October 13, pinasalamatan nina Julie Anne at Rayver ang mga kababayan nating nag-asikaso sa kanila para ligtas sila na makauwi sa Pilipinas noong Linggo, Oktubre 8, 2023.

Tinanong ni Boy si Rayver kung hindi ba nito naisip mag-propose kay Julie Anne habang nasa gitna sila ng isang mapanganib na sitwasyon.
Sagot ng aktor, “Ang nangyari, yung joke na yon after nakalabas na kami, nagkakape na kami.
"Pero nung time ng pangatlong pagsabog at pagpasok, para sa akin, everything happens for a reason. Siya lang ang nakakaalam, yung sa Itaas.
“Para sa akin, yung glimmer of hope, yung lakas ng loob ko, e, nanggagaling kay Julie. So, iniisip ko, may rason kung bakit si Julie magkasama kami sa Holy Land.
“And then for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kanya. Pero alam ng Diyos na makakauwi kami, may chance pa kaming kunin ka [Boy] as ninong.”
Kinilala at binigyang-pugay rin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes ang kabayanihang ipinamalas ng Filipino nurse na si Angeline Aguirre.
Read: Israeli official calls slain Pinay caregiver a hero: "She could have escaped."
Si Angeline, na tubong-Pangasinan, ay nagbuwis ng buhay sa Israel dahil pinili niyang huwag iwanan ang kanyang Israeli patient.
Kabilang si Angeline sa mga Pilipinong pinatay ng Hamas militants na patuloy na naghahasik ng lagim sa Israel simula pa noong Oktubre 7, 2023.
Read: Two OFWs confirmed dead in Israel; Pinay nurse allegedly died a hero
May pagkakataong makatakas si Angeline, pero hindi niya inabandona ang kanyang inaalagaang pasyente kaya pareho sila na nasawi sa kamay ng mga terorista.
"Despite having a chance to flee the Hamas terror attacks, Angeline showed unbelievable humanity and loyalty by remaining Nira’s side during the violence, resulting in both of them being brutally murdered by Hamas. Unimaginable honor in the face of evil," pahayag ni Fleur Hassan-Nahoum, ang deputy mayor ng Jerusalem tungkol sa pambihirang kagitingan na ipinamalas ni Aguirre.