PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The limitless possibilities for Julie Anne San Jose

On being a Limitless Star: "Honored ako pero kuntento na ako sa ganito..."
by Rose Garcia
Published Mar 20, 2023
Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose on being dubbed a Limitless Star: "Honored ako pero kuntento na ako sa ganito..."
PHOTO/S: Rose Garcia

Seventeen years na sa GMA-7 si Julie Anne San Jose.

Huli siyang napanood bilang Maria Clara sa Kapuso mega-serye na Maria Clara At Ibarra.

Bilang singer, nakapaglabas na rin si Julie Anne ng tatlong studio albums, at nag-headline ng sariling concerts,

Ang pangarap niyang maging singer ang nagbukas sa kanya ng maraming oportunidad.

Silipin natin ang buhay ng dalaga bago siya binasagang "Asia’s Limitless Star."

FAMILY BACKGROUND

Ipinanganak si Julie Anne Peñaflorida San Jose sa San Bernardino Hospital, Novaliches, Quezon City noong May 17,1994.

Tubong Marinduque ang mommy ni Julie na si Marivic Camzon Peñaflorida, habang sa Manila naman lumaki ang daddy niyang si Jonathan Roque San Jose.

Ayon sa kuwento, ipinaglihi raw siya ng mommy niya sa softdrinks.

“Totoo, pinaglihi ako sa coke, and, ngayon po, ine-endorse ko ang Coke Zero,” natawang sabi niya.

Si Julie ang panganay sa tatlong magkakapatid. Sinundan siya nina Joanna Marie at Jan Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ng kanilang mga pangalan ay nagsisimula sa letter "J," na posibleng isinunod sa kanilang Daddy Jonathan.

CHILDHOOD: FROM LITTLE MISS PHILIPPINES TO POPSTAR KIDS

Bata pa lang si Julie ay mahilig na siyang kumanta, kaya dito umikot ang karamihan sa kanyang childhood memories.

Kuwento ni Julie, “Naalala ko noon, kasi I started singing mga two years old, naalala ko pa na pinagre-record ako ni Mama ng mga kanta sa karaoke.

"E, uso pa noon ang mga cassette tapes, tapos, pinapadala namin ni Mama sa Taiwan. Si Papa kasi, he used to work in Taiwan, overseas. So pinapadala namin ang lahat ng mga tapes namin sa kanya, at hanggang sa pinasali ako ng Lola ko sa Little Miss Philippines.”

Ang "Little Miss Philippines" ay ang kilalang contest sa noontime show na Eat Bulaga! Ilan sa mga celebrities ngayon ay produkto nito.

Pagtuloy ng Kapuso actress, “Sa school, member rin ako ng choir.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging member rin ako sa choir sa church namin sa Our Lady of Annunciation Parish sa may Mindanao Avenue. Eleven or twelve years old ako nang mag-start na mag-choir sa church, same age na sumali ako sa Popstar Kids.”

Dalawang taon pa lang si Julie, nakitaan na siya ng potential sa singing. Nang mag-enroll siya sa Center for Pop, ayaw raw siyang tanggapin dahil masyado pa siyang bata.

“Pero noong marinig na nila akong kumakanta, clear na ang lyrics, tinanggap na nila ako, tapos nagre-recital kami.”

Sa lahat daw ng mga sinalihan ni Julie noong bata siya, wala ni isa siyang napanalong grand prize.

Sa Little Miss Philippines ay 1st Runner-Up siya, habang sa Popstar Kids ay si Rita Daniela ang itinanghal na winner.

Sumali rin siya sa "Miss U" contest ng ABS-CBN show Magandang Tanghali Bayan, pero hindi pinalad.

Natatawang sabi ni Julie, “Lahat ng sinasalihan kong contest, hindi ako nanalo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi man siya nanalo sa lahat ng contest na sinalihan niya noon, ngayon ay siya ang panalo pagdating sa kanyang career.

Sabi naman ni Julie, “Ang masasabi ko lang, based from experience—kasi ako, never naman akong nag-expect na mananalo. For me, ano lang siya, title lang siya or award lang siya.

“For me, experience talaga ang sobrang importante for me. Pero kung sino ang manalo, happy ako for the person. Like si Rita, magkakaibigan kaming lima. Sobrang happy lang kami for her. And nakaka-inspire lang din, not to give up on your dreams.”

Ang apat sa lima na tinutukoy niya ay ang mga finalists ng Popstar Kids na sina Rita, Cholo Bismonte, Vanessa Rangadhol, at Enzo Almario.

Bakit hindi basta-basta naggi-give up si Julie?

“Kasi, I love what I do,” mabilis niyang sagot. “I love what I do. I love singing. I love performing. I love music. I love my craft."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging baon din niya ang sinabi ng kanyang lola sa father's side na si Lola Estelita San Jose.

"Hinding-hindi ko makalilimutan ang sinabi ng Lola ko sa akin na, anyway, before the word ‘manifesting’ became famous, parang nag-manifest siya nang sabihin niya na, ‘Balang-araw, magiging artista ka.’”

LEARNING HOW TO PLAY INSTRUMENTS

Bukod sa pagkanta ay nag-aral din si Julie Anne na tumugtog ng musical instruments.

Seven years old siya nang sabay niyang pag-aralan ang pagtugtog ng piano at guitar.

“I remember, nandito na si Papa noon, umuwi na siya from Taiwan. Tinuruan niya ako. Si Papa talaga, musikero talaga siya. Noong nasa Taiwan siya, banda-banda nang konti.

“That time, nag-try akong mag-piano lesson, pero hindi ko na-absorb agad. Kinakabisado ko ang melody. So, na-realize ko na baka nga siguro, oido ako, sa tenga.

“Pero minsan, nakakabasa naman ako ng mga notes, hindi lang ganoon ka-progressive.”

EDUCATION: FROM GRADE SCHOOL TO COLLEGE

Nag-umpisang mag-aral si Julie sa Our Lady of Pagkabuhay Parochial School, na walking distance lang mula sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumipat si Julie sa Sto. Niño de Novaliches School para sa grade school.

Pagdating naman ng college, nag-aral si Julie sa University of Sto. Tomas-Angelicum, kung saan nag-graduate siya with Bachelor of Arts degree in Communication.

Aminado si Julie na hindi naging madali para sa kanyang pagsabayin ang pag-aaral sa kolehiyo at ang kanyang showbiz career.

Aniya, “Ang Dad ko kasi, originally, ayaw niya talaga na nasa showbiz ako. That time, nag-audition na ako sa Popstar Kids hanggang sa natanggap na ako, nagtuluy-tuloy na. Walang idea si Papa kung ano ang nangyayari.

“When I did not make it sa Popstar Kids, sabi niya, 'Tumigil ka na, sign na iyan. Mag-focus ka na lang sa school mo.'”

Yun nga lang, nagbukas ang oportunidad na kahit hindi siya nanalo sa Popstar Kids, pinapirma ang limang kids ng kontrata ng GMA Network at naging regular sila sa S.O.P.

“Going back to school, hindi siya madali,” natawang sabi ni Julie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pumapasok ako regularly. Literally na hinahati ko yung sarili ko. Ito yung time ko for school and for the show.

“It was really a challenge. I finished it for four and a half years kasi, nag-stop ako ng isang sem. Hindi na kinakaya ng katawan ko. Hindi na ako natutulog, and, that time, gumagawa rin ako ng serye.

"Tapos, S.O.P., biglang nag-Party P, Sunday All Stars, and Sunday PinaSaya. Yung time ko sa taping, then, school. Yun lang ang ginagawa ko noong college ako. I really had to give up my social life.”

Sabi pa niya, “I wouldn’t say it’s a bad thing, but I didn’t have enough friends or I didn’t have enough time for myself. Ang dami—kasi, ang buhay ko noon, work then school, same goes everyday. Parang yun na ang routine ko. Tapos, graduating ako, ang dami kong load.”

Ito raw ang panahon na sobrang payat niya, kaya naintrigang baka anorexic siya. June 2015 lumabas ang artikulo sa PEP.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Julie Anne San Jose denies anorexia rumors

“Sobrang payat ko,” sabi rin niya. “I was doing SPS that time, then, I was doing a show pa, Buena Familia yata. Tapos, nag-aaral pa ako. Nagti-thesis pa ko.

“Pero eventually, nakaya naman talaga. At doon ko na-prove na wala kang hindi kakayanin basta gusto mo ang ginagawa at naka-focus ang isip mo na ito ang gusto kong gawin. Na-amaze ako pati sa mga working students.”

Isa si Julie sa mga celebrities na magandang gawing ehemplo sa mga kabataan, lalo na kung paano niya nagawang pagsabayin ang kanyang career at pag-aaral.

“Talaga po?” nakangiti naman niyang tanong.

“Well, siguro po, nakakataba rin ng puso kasi yun din ang gusto kong ma-i-impart sa iba, especially sa mga kabataan ngayon.

“Never give up on your dreams. Kasi, kung passionate ka talaga sa ginagawa, whether it’s school, work or kung anumang hobby or kung saan ang strength mo, kapag gusto mo ang ginagawa mo, walang makakapigil sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pressure ba kay Julie na ma-maintain ang kanyang magandang imahe para sa maraming humahanga sa kanya?

“Hindi naman, siguro ako, mas nandoon ako sa part na sini-share ko kung ano ang journey. Kasi, in that way, ma-inspire sila, ma-encourage sila.

"I guess, that’s one of the reasons why I love what I’m doing. Yung core ko talaga doon is to inspire people.”

singing CAREER

Inilihim ni Julie sa kanyang ama ang pag-audition niya para sa Popstar Kids.

Kaya kahit may sasakyan naman sila noon, nagko-commute si Julie kasama ang kanyang ina at sumasakay sa jeep, MRT, at bus.

Nalaman lang ng kanyang ama ang lahat nang matanggap na si Julie sa show.

Hindi makakalimutan ni Julie ang pakiramdam ng pagsali sa kanyang unang contest sa TV.

Pagbabalik-tanaw niya, “Kinakabahan talaga ako and every time na sasalang ako, nasusuka ako, na-i-stress talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako nilalagnat and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang sa sabi ko, baka nga hindi ito para sa akin. Focus na lang ako sa iba. Pero, kahit anong gawin ko, doon talaga ako nili-lead ni Lord.”

Kung may first biggest break man daw siya sa showbiz, ito ay sa teleserye nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na Dyesebel noong 2008.

“Ako yung kumanta ng theme song,” sabi ni Julie tungkol sa kantang "Aking Mundo."

Dugtong pa niya, “May mga challenges po kasi kami, kaming lima sa Popstar Kids. Yung group namin, Sugarpop—do’n nag-start ang lahat.

"Parang after two years noong ma-disband ang group namin dahil nasa awkward stage kami, we started to separate.”

Simula noong awitin niya ang “Aking Mundo” ng Dyesebel, nagtuluy-tuloy na si Julie Anne na madalas pinakakanta ng mga OST (original soundtrack) ng mga GMA teleserye.

Pero ang itinuturing ni Julie Anne na first big break sa kanyang career ay ang single niya na “I’ll Be There,” mula sa kanyang self-titled album under GMA Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tatlong studio albums si Julie: ang Julie Anne San Jose, Deeper, at Chasing The Light. Mayroon din siyang extended-play albums na Forever at Breakthrough.

Bukod sa pagiging actress at singer, kilala rin si Julie Anne bilang isang songwriter, at marami na rin siyang kantang nagawa na siya ang nagsulat.

Isa na rito ang “Di Ka Akin,” kunsaan nagkaroon siya ng pagkakataon na makipag-collaborate kay Gary Valenciano.

AWARDS

Pinaka-memorable para kay Julie ang pagtanggap niya ng Diamond Record Awards para sa kanyang self-titled album.

“Hindi ko rin akalain, kasi at that time, mga physical copies po. May mga mall shows pa, pinupuntahan ng mga fans. May mga ‘meet and greet,’ nakaka-miss din yung era. And yung Asian TV Awards."

Dahil din dito, binigyan siya ng title bilang “Asia’s Limitless Star.”

Ano ang totoong pakiramdam niya sa title?

“Actually, to be honest, parang ano— ewan ko ha, to be honest ha, ewan ko, ako lang naman ito, kasi, title lang siya for me. Hindi ko kasi iniisip yung mga ganyang monickers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I mean, honored ako, nagpapasalamat ako, grateful talaga ako. Pero, wala talaga sa isip ko. When I think about it, mala-lock ako.

"Ayoko kasi ng ganoon na okay na ako, kuntento na ako sa ganito, enough na ako—mas gusto lagi na may bago, may bagong ginagawa, bagong experiences.”

Pero sabi ng writer na ito sa kanya, dahil sa ipinamalas niyang husay sa pag-arte bilang Maria Clara sa Maria Clara at Ibarra, limitless nga pala ang kaya niyang maibigay.

“I did my best, I did my best,” ang natawa niyang sagot.

LOVE TEAMS FOR REEL & REAL

Samantala, si Elmo Magalona ang unang naging solid na ka-love team talaga ni Julie.

Nagkasama sila sa Party Pilipinas at sa GMA series na Together Forever. Nakagawa rin sila ng pelikula under GMA Pictures, ang Just One Summer.

Kung may good memories siya ng JuliElmo days, ano yun?

“It was an enjoyable time for me,” sabi naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bagets pa kami noon ni Elmo, and it was enjoyable. May mga fans, may mga followers. Kasi, bihira lang ang nakikita nilang nagra-rap, tapos kumakanta before. Kinikilig sila kasi nga, love team.”

Pagkatapos ng love team nila ni Elmo, wala ng matandaan si Julie na masasabing naging love team niya talaga.

Ang ilan sa mga Kapuso actors na naging leading man niya sa teleserye ay sina Kristoffer Martin sa Kahit Nasaan Ka Man, Gil Cuerva sa My Guitar Princess, at si Benjamin Alves sa Pinulot Ka Lang sa Lupa. Ang huli ay naging byfriend niya.

Inaabangan naman ngayon ang pelikulang The Cheating Game na pagtatambalan nila ni Rayver Cruz.

STRUGGLES DURING THE PANDEMIC

Seventeen years nang Kapuso si Julie Anne, pero dahil sa nangyaring pandemic, napaisip daw siya kung magpapatuloy pa ba siya.

Aniya, “Minsan, na-a-outgrow tayo like mga tao sa environment. Siguro, yung pandemic, yun po talaga. Napaisip po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“There was a time na na-feel ko na na-demotivate ako. Kasi I did not know where my life was going or parang ano pa ba ang purpose ko?

"Siyempre, gigising ka, every day before pa na magkaroon ng vaccine, talagang yung lockdown era, ang hirap niya for everybody. Ang bagal ng lahat. Hindi mo alam kung gagalaw ka pa ba, uncertain lahat.”

Nang magkaroon ng vaccine at nagawa niya ang trilogy concert niya na Limitless, ito lang daw ang nakapagpabago ng outlook niya.

“Two to three years akong nakakulong sa bahay.

“Hanggang sa nagkaroon ng Limitless, at bumabalik na ang mga live events, concerts, nakakalabas na rin ang mga tao.”

Kung may pinaka-highlight man para kay Julie sa kanyang career, ito raw ang Limitless at ang hit GMA prime-time series na Maria Clara At Ibarra.

Bago ang Maria Clara At Ibarra, ilan na sa mga nagawang teleserye ni Julie ay ang Tween Hearts (2012), Kahit Nasaan Ka Man (2013), Buena Familia (2015), Pinulot Ka Lang sa Lupa (2017), My Guitar Princess (2018), Heartful Café (2021), at Still (2021), na napanood via streaming sa VIU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOALS

Sa ngayon, ang isa sa pangarap ni Julie ay makagawa ng theater o stage play, na hindi pa niya nasusubukang gawin.

“I wanna try theater naman.

“It’s one of the things I’ve never done. Kasi matagal ko na rin na gusto siyang i-try, pero parang hindi pa siya oras. So never pa po talaga.”

Bukod dito, gusto rin daw niyang mag-take up ng Masters in Mass Communication at magturo.

“I also want to teach music, music pa rin po,” lahad niya.

“Actually, isa yun sa dream ko, magkaroon ng music school. Tapos ngayon kasi, meron kaming business ng sister ko, we just started last year, 'Monday Club.'

"It’s a clothing line and kaka-start lang namin. Online siya and we’re still trying to work-out with our web page. Sa ngayon, makikita siya sa Instagram.

“We’re trying to work with our designs. Kasi, gusto namin na comfortable yung mga tao.”

Bilang isang actress, aminado si Julie Anne na na-e-enjoy niya ngayon ang pag-arte dahil sa Maria Clara At Ibarra. Pangarap niyang makagawa pa ng mga karakter na hindi pa niya nagagampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-e-enjoy ko siya, masaya, e, masaya talaga siya,” nakangiti niyang sabi.

“And siyempre, yung music, hindi naman mawawala iyan. Sulat-sulat lang ng mga kanta.

“Siyempre, for 28 years of my existence, parang laging music has always been there. But I also want to explore more on acting.”

Sa henerasyon ngayon, masasabing isa si Julie Anne sa mga artist na nag-iiwan ng kanyang marka sa industriya. Isa rin siya sa busiest Kapuso stars at maituturing na prime talent ng network.

Napapanood pa rin siya bilang host ng The Clash. Bida rin sila ni Rayver sa upcoming movie ng GMA Pictures na The Cheating Game, at may balitang may pagtatambalan silang GMA teleserye.

Pagdating sa kanyang singing career, magtu-tour ang mga concerts ni Julie na Limitless at Julieverse sa iba’t ibang bansa.

Read Next
Read More Stories About
Julie Anne San Jose, trunk
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on being dubbed a Limitless Star: "Honored ako pero kuntento na ako sa ganito..."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results