PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Davao Backs 'Silver Lining' Musical

Ricky Davao, balik-teatro sa 'Silver Lining.'
by Jojo Gabinete
Published Oct 17, 2023
ricky davao gma gala 2023
Ricky Davao on going back to theater: “Ngayon may maturity na ako, more understanding, mas malaki na ang kontribusyon ko as an actor. Unlike noong nag-uumpisa ako, very dependent ako sa mga ituturo ng direktor. Ang feeling ko, mas confident ako ngayon."
PHOTO/S: Chino

May mga pelikula at ibang proyektong tinanggihan ang multi-awarded actor na si Ricky Davao dahil tinanggap niya ang musical play na Silver Lining.

Sinabi ni Ricky sa Cabinet Files na parang kumuha siya ng bato na ipupukpok sa kanyang ulo nang tanggapin niya ang alok magbida sa Silver Lining.

“Unang sinabi ko sa sarili ko, parang kumuha ako ng bato na ipinukpok ko sa sarili kasi medyo busy ako sa Love Before Sunrise," pagtukoy niya sa primetime drama series ng GMA-7.

"Pangalawa, I’m expecting to do another television series. Dapat may movie pero hindi natuloy.

“So, nung unang in-offer sa akin, parang ayoko na, pero kinulit ako. Sabi ko, 'Sige, pabasa ng script.'

"Binasa ko yung material, okay, interesting. Bagay sa akin yung role.”

ricky davao silver lining

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ricky, kinakabahan siya sa nalalapit na pagtatanghal ng Silver Lining, pero malaking-malaki na ang kanyang ipinagbago mula nang magbida siya sa mga stageplay noong kabataan niya.

“Yes, definitely may kaba. Kasi ang paniwala ko, kapag wala yung kaba, may problema.

"Although we’re confident dahil inaral namin ng isang buwan, araw-araw akong nagbabasa.

“Ngayon may maturity na ako, more understanding, mas malaki na ang kontribusyon ko as an actor. Unlike noong nag-uumpisa ako, very dependent ako sa mga ituturo ng direktor.

“Ang feeling ko, mas confident ako ngayon."

Pagpapatuloy ni Ricky, "Tungkol naman sa memorization ng lines, thank God, hanggang ngayon blessed ako diyan.

“Nakaka-memorize pa ako, although sometimes, meron nang nakakalimutan.

"Pero sa play kasi, if you understand the whole story and the flow, kahit papaano, mahahabol mo.

“Sabi nga, pagbukas ng kurtina, point of no return. Hindi katulad ng pelikula na may cut, edit natin, take two, close-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa stage, wala. Kumbaga, actor’s medium na talaga siya. Meaning, pagbukas ng kurtina, solo ka na.

“Minsan nabubulol ka, nagkakamali. Hindi pala kayo nagkakaintindihan sa pag-uusap.

"May mga dialogue na tongue-twisting at obligadong mag-adlib to save the situation, to add more nuance, to add more color.”

Aminado si Ricky na hanggang sa pagtulog, napapanaginipan niya ang kanyang karakter na ginagampanan sa Silver Lining.

Saad niya, "Ito, literally, napapanaginipan ko. Nagigising ako saying my lines or singing. Bigla akong nagsasalitang mag-isa o kaya biglang kumakanta sa shower, sa garahe.

“Di ba, kapag obsessed ka sa isang bagay or fixated ka, katulad ko, the first two, three weeks, sobrang stressful for me dahil ninenerbiyos ako.

“Ang gagaling ng mga kasama ko. Karamihan mga bata, first time kong nakasama, but all of them, ang galing! Sobrang galing kumanta, sumayaw, mag-memorize.”

Nag-umpisa ang entertainment career ni Ricky bilang dancer at miyembro ng Vicor Crowd dance group. Nakatulong ang karanasan ni Ricky sa pagsasayaw dahil may mga eksena sa Silver Lining na kailangan niyang sumayaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mga forty years ago, naging dancer ako, pero ibang-iba. Iba na ang katawan ko ngayon. Iba na ang kilos, may kalawang nang konti.

"Pero kaya pa naman. Nakakasunod pa naman sa ako sa beat.

“Honestly, medyo tamad na akong mag-aral ng mga bagong kanta kaya if you notice, kapag pinakanta ako, marami akong alam na kanta pero luma.

“Yung songs sa Silver Lining, magaganda. Mga bago pero malakas ang recall.

"Mame-memorize ko ito pati melody. Mahirap kasing mag-memorize ng melody at lyrics,” nagpakatotoong saad ni Ricky

Inaanyayahan ni Ricky ang publikong panoorin at suportahan ang Silver Lining na itatanghal sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Makati City, simula sa darating na Biyernes, October 20, 2023.

Ang iba pang schedule ng musical play ay October 21, 22, 27, 28, at 29.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Davao on going back to theater: “Ngayon may maturity na ako, more understanding, mas malaki na ang kontribusyon ko as an actor. Unlike noong nag-uumpisa ako, very dependent ako sa mga ituturo ng direktor. Ang feeling ko, mas confident ako ngayon."
PHOTO/S: Chino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results