PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Davao, di maiwasang mainggit sa mga artistang idinidirek niya

The Seed of Love, maipapalabas na sa wakas pagkatapos ng tatlong taon.
by PEP Troika
Published May 3, 2023
Ricky Davao
Ricky Davao: “Minsan nga, niloloko ko ang mga kasabayan ko, ‘O, pag hindi niyo pa mini-memorize yan, ako na gagawa.’ Niloloko ko. Sometimes, papasok ako sa tent nila, minsan suot ko yung costume nila, kaya lang masikip. ‘O hindi ka pa ba lalabas, ako na gagawa nito.’ Tapos, natatawa na sila."
PHOTO/S: @rickyad on Instagram

GORGY RULA

Hindi maiwasan ni Ricky Davao na lumalabas pa rin ang pagiging aktor niya kapag meron siyang idinidirek na drama series.

Siya ang direktor ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na The Seed of Love na magsisimula na sa Mayo 8, 2023, bago mag-Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado si Direk Ricky na minsan ay naiinggit siya kapag may kinukunan siyang isang mabigat na eksena. Naiisip daw niyang sana, siya na ang umaarte.

“Actor pa rin ako and sometimes pag nagdidirek ako at magagaling yung artista, at maganda yung kuwento, maganda yung script, naiinggit pa rin ako,” sabi niya nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes, May 2.

Kapag idinidirek niya ang ilang nakasabayan niyang artista, pinaglalaruan daw niya minsan na sinasabi niyang siya na lang ang aarte sa eksenang ipinapagawa sa kanila.

Kuwento ni Ricky, “Sometimes nga nakikiarte rin ako, e. 'Uy, pwede nating gawin na ganito, ganyan,' lalo na yung mga colleagues ko, yung mga nakasabayan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan nga, niloloko ko ang mga kasabayan ko, ‘O, pag hindi niyo pa mini-memorize yan, ako na gagawa.’ Niloloko ko.

“Sometimes, papasok ako sa tent nila, minsan suot ko yung costume nila, kaya lang masikip. ‘O hindi ka pa ba lalabas, ako na gagawa nito.’ Tapos, natatawa na sila.

“Binibiro ko lang naman para maging light, kasi mabigat na yung eksena, e. Kaya niloloko ko sila. ‘O kaya ko yan. So, don’t tell me na hindi mo magagawa yan,’ mga ganun.”

Nagpapasalamat siya sa The Seed of Love dahil magagaling ang mga artista niyang pinangungunahan nina Glaiza de Castro, Mike Tan, Valerie Concepcion, at Boy2 Quizon.

Ang laking ginhawa raw sa trabaho kapag magagaling na ang mga artista mo.

“Talagang kalahati ng trabaho ko, tapos na. Kasi magagaling yung artista, e.

“Kasi talagang sa set, lalo na ngayong medyo nagkaroon na tayo ng ano kasi… halimbawa, 16 working hours na lang tayo. Dati 24 hours, 25…. ngayon bawal na ngayon yun. May ruling na 16 hours. So, kailangan talaga systematic yung trabaho namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakaplano kami for every sequences. Ganun din yung mga artista,” sabi pa ni Direk Ricky.

JERRY OLEA

Parang Voltes V: Legacy na rin itong The Seed of Love, dahil sinimulan nila ito nung 2020 na pre-pandemic pa.

Bale three years in the making din ito na kailangang mag-reshoot sila ng ilang mga nakunan nila dahil ang laki na ng mga nabago sa mga artista nila.

“Ang hirap kasi, si Glaiza ang lead actress natin, lost a lot of weight. So, pumayat.

“Si Mike Tan, gumanda yung katawan, nag-iba yung hitsura.

“Yung iba, humaba yung buhok, kumapal, etcetera. So, medyo hinahabol namin yung look. Medyo mahirap yun. Thank God, nagawa naman namin.

“Siguro doon sa 10 taping days [na nakunan nung pre-pandemic], siguro mga 25 percent, nag-reshoot kami.

“Kasi medyo nabago rin yung tinakbo ng istorya. Mas bumilis, mas naging masalimuot, mas naging daring, at saka mas matindi ngayon ang mga nangyari.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Natenggang Kapuso serye The Seed of Love, balik-shooting na

NOEL FERRER

Sabi pa ni Direk Ricky, kapag isang drama series na panghapon ang ginagawa nila, nandiyan talaga yung mga eksenang sampalan, sabunutan, at kung anu-anong mga madramang eksena, basta kailangan sa kuwento, dahil yun ang gusto ng mga televiewers sa oras na yun.

Ani Direk Ricky, “Kasi we were told that there was a study na karamihan ng nanonood sa hapon ay mga babae, at saka nagtatrabaho sila.

“Minsan habang nagluluto, o naglilinis o nagpaplantsa, minsan pinapakinggan lang nila. So, halimbawa pag nagsisigawan, they catch the attention right away.

“Basta… always na medyo mabibigat ang mga eksena ng mga artista, puro sigawan tapos masalimuot ang mga pangyayari. Maka-catch yung attention nila habang nagpaplantsa, naglalaba, naglilinis o nagpi-prepare ng merienda.

“Iyon yung naging ano… at yung study shows also na successful naman ito.

“Itong mga ganitong klaseng tema, very successful sa hapon, at talagang pinapanood.” Harinawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Davao: “Minsan nga, niloloko ko ang mga kasabayan ko, ‘O, pag hindi niyo pa mini-memorize yan, ako na gagawa.’ Niloloko ko. Sometimes, papasok ako sa tent nila, minsan suot ko yung costume nila, kaya lang masikip. ‘O hindi ka pa ba lalabas, ako na gagawa nito.’ Tapos, natatawa na sila."
PHOTO/S: @rickyad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results