PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zig Dulay on Alessandra de Rossi

Direk Zig Dulay, first time makakasali sa MMFF.
by Jojo Gabinete
Published Oct 18, 2023
zig dulay alessandra de rossi firefly
Director Zig Dulay on 'Firefly' lead actress Alessandra de Rossi: “Medyo weird, pero parang si Alex lang ang nakakagawa nang ganoong mga eksena. Yun ang lagi kong hinahanap sa ibang mga artista. Siya na yung naging standard.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Pictures

Maligayang-maligaya si Zig Dulay nang makarating sa kanya ang impormasyong opisyal na kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Firefly, ang pelikula ng GMA Pictures na siya ang direktor at pinagbibidahan ng kanyang paboritong aktres na si Alessandra de Rossi.

Tulad ng karakter na bata sa Firefly, si Euwenn Mikaell, parang bata si Direk Zig nang ibalita nito sa kanyang mga kaibigan na mararanasan na niyang sumakay sa float para sa annual Parade of Stars ng mga pelikulang kasali sa film festival na magsisimula sa December 25, 2023.

Read: Six remaining MMFF 2023 official entries announced

Sa intimate media conference na ipinatawag ng GMA Pictures kahapon, October 17, sinabi ni Direk Zig na tuwing may gagawin siyang pelikula, si Alessandra ang nangunguna sa kanyang listahan para magbida.

Saludo raw kasi siya sa husay sa pag-arte ng aktres na naging kaibigan niya mula nang magkasama sila sa 2015 independent movie na Bambanti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alessandra de rossi bambanti

Alessandra de Rossi in Bambanti

Saad ng Maria Clara At Ibarra director, “Every time, laging top choice si Alex if ever gagawa ako ng pelikula.

"Kasi in fairness sa kanya, yung Bambanti, relatively, baguhan pa lang ako noon.

“Kinausap ko siya. Siyempre, indie project, wala naman pambayad. Nahiya akong magsabi sa kanya na wala kaming budget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong ginagawa namin ang Bambanti, ayaw rin naman niyang tini-treat siyang artista, na isa sa mga gusto ko sa ugali niya.

“Katulad sa isang eksena, ang daming eksena na ako pa yung humahagulgol ng iyak kesa sa kanya kasi tungkol din sa nanay ang kuwento ng Bambanti. Weakness ko ang mga kuwentong nanay.

“Medyo weird, pero parang si Alex lang ang nakakagawa nang ganoong mga eksena. Yun ang lagi kong hinahanap sa ibang mga artista. Siya na yung naging standard.”

May nakaaaliw ring anekdota si Direk Zig tungkol kay Alessandra.

“Once, naalaala ko, sabay kaming nagkakape ni Alex, pero sa kanya-kanyang bahay kami.

“Tumawag siya, depressed. Sabi niya, ‘Bakit ganoon?’

“So, na-face na niya ang kanyang depression. Nalaman na niya kung bakit siya malungkot.

“Sabi niya, ‘Paano yon, Zig? So all throughout pala, hindi ako talented. Depressed lang pala ako. Yun pala ang nailalabas ko every time! Hindi pala ako totoong magaling! Depressed lang.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ganyan ang mga kuwentuhan namin sa umaga."

Patuloy ni Direk Zig, "To be fair sa kanya, dahil sa pagiging totoong tao niya, ibinabalik yon ng art niya, ng kanyang talent. Dun lumalabas na kahit siya mismo, hindi niya pinaplano.

“Kaya nang sinabi sa akin na si Alex ang lead role sa Firefly, sabi ko, 'Kausapin ninyo siya. Ipabasa ninyo sa kanya ang script kasi ayokong umoo siya dahil lang sa akin.'”

FROM SOCIAL REALISM TO MAGIC REALISM

Nakilala si Zig sa paggawa ng mga proyektong may kinalaman sa social realism kaya isang karanasan para sa kanyang gawin ang Firefly.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, comedy, horror, comedy, fantasy, action

alessandra de rossi euwenn mikael firefly

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Euwenn Mikaell and Alessandra de Ross in 'Firefly'

Lahad ni Direk Zig, “Alam niyo naman yung mga nauna kong pelikula, social realism.

"Nung kinausap ako ni Ma’am Nessa [Valdellon, Senior Vice-President for GMA Pictures] para tanggapin yung project, alam ko na challenging kasi lubog ako sa realism tapos biglang magic realism.

“Tinanggap ko yung challenge kasi tumatanda na rin ako. Gusto kong gawin yung mga hindi ko pa nagagawa.

“Medyo mahirap sa totoong buhay tapos matrabaho, pero yung lagi kong sinasabi na kapag gusto mo yung ginagawa mo, kapag mahal mo, kahit gaano pa kahirap, ilalaban at ilalaban mo.

“Halos lahat kami, buong production, kasi mahirap gawin ang pelikula pero enjoy.

Tiniyak ni Direk Zig na ang kuwento ng Firefly ay magpapaalaala sa ating kabataan.

“Ito kasi yung nami-miss natin noong mga bata tayo, may mga certain magic na napanood natin sa pelikula na hindi nakakalimutan, like Magic Temple. Parang forever mo nang dadalhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time kong gumawa ng magic realism movie. Mahirap, pero dahil sama-sama kami, nailaban naman.

"Proud kami na mai-share ito sa mga tao saka isang experience siya. Mas mararamdaman mo yung mga eksena kapag napanood sa mas malaking screen.

“Okay din naman kapag streaming, pero iba ang pakiramdam, yung danas, yung experience kapag sa sinehan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Zig Dulay on 'Firefly' lead actress Alessandra de Rossi: “Medyo weird, pero parang si Alex lang ang nakakagawa nang ganoong mga eksena. Yun ang lagi kong hinahanap sa ibang mga artista. Siya na yung naging standard.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Pictures
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results