PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo Nagkita sa 'Fast Talk' studio

Bea at John Lloyd, guests sa week-long birthday celebration ni Boy Abunda.
by Jojo Gabinete
Published Oct 19, 2023
john lloyd cruz bea alonzo fast talk
Loveteam partner John Lloyd Cruz and Bea Alonzo had a chance encounter at the studio of 'Fast Talk With Boy Abunda' in GMA Network, Thursday night, October 19, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Network ngayong Huwebes ng gabi, Oktubre 19, 2023.

Ang dalawang major stars ang mga bisita sa week-long birthday celebration ng host ng Kapuso showbiz talk show na na si Boy Abunda.

Natuwa, kinilig, at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid sa pagtatagpo ng dating magka-love team na nagbida noon sa mga hit movie at drama series ng Star Cinema at ABS-CBN, respectively.

“Hello po, Sir John Lloyd,” pabirong bati ni Bea kay John Lloyd, na yumakap sa kanya nang mahigpit.

Ang mga tao naman sa studio ay sumisigaw ng "Popoy" at "Basha," ang mga pangalan ng mga sikat na karakter na kanilang ginampanan sa 2007 blockbuster movie na One More Chance.

“Ano na?” sabi ni John Lloyd.

Pinuna rin ng aktor ang sexy dress na suot ni Bea kasunod ang tanong na, “Pang-uwi mo na ba yan?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit naman saan ako pumunta, masaya ako. Ikaw?” isa pa sa mga linya ni John Lloyd kay Bea.

"Masaya ako!" sagot ng aktres.

“Gusto mo pasayahan tayo,” nakangiting reaksiyon ni John Lloyd, na natuwa sa muling pagkikita nila ni Bea.

Read: Bea Alonzo asks John Lloyd Cruz after GMA transfer: "Makikita ba kita dito?"

Kaabang-abang ang mga panayam ni Boy kina Bea at John Lloyd na mapapanood sa paparating na linggo dahil buong katapatang sinagot ng dalawa ang mga personal na katanungan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si John Lloyd tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Isabel Santos, sa co-parenting agreement nila ni Ellen Adarna, at ang mga pagbabago sa buhay niya dahil sa kanyang anak na si Elias.

Hindi naman iniwasan ni Bea ang lahat ng mga tanong na may kinalaman sa pagpapakasal nila ng kanyang fiancé na si Dominic Roque.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loveteam partner John Lloyd Cruz and Bea Alonzo had a chance encounter at the studio of 'Fast Talk With Boy Abunda' in GMA Network, Thursday night, October 19, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results