Si Luciana Fuster ng Peru ang nanalo sa Miss Grand International 2023 na ginanap sa Phú Tho Indoor Stadium ng Ho Chi Minh City, Vietnam, nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 25, 2023.
Si Luciana, na iyak nang iyak sa kanyang tagumpay, ang ikalawang Peruvian na nagwagi ng Miss Grand International title.
Unang nanalo si María José Lora sa fifth edition ng beauty pageant na idinaos din sa Vietnam noong October 25, 2017. Sina Xian Lim at Nicole Cordovez ng Pilipinas ang mga host ng coronation night noon.
Read: Peru crowned Miss Grand International 2017; PH bet Elizabeth Clenci is 2nd runner-up
Sa 11th edition ng Miss Grand Philippines, first runner-up si Ni Ni Lin Eain ng Myanmar. Siya rin ang tumanggap ng special awards na Miss Popular at Country’s Power of the Year.
Si María Alejandra López ng Colombia ang second runner-up, third runner-up si Sthphanie Miranda ng USA, at si Lê Hoàng Phuong ng Vietnam ang 4th runner-up.
Tatlo naman ang idineklara ng Miss Grand International Organization ng pampalubag-loob na 5th runners-up: sina Eugénia das Neves ng Angola, Skarxi Marte ng Dominican Republic, at Ritassya Wellgreat ng Indonesia.
Hindi pinalad na manalo o makabilang sa Top 20 candidates ng Miss Grand International 2023 si Miss Grand Philippines Nikki de Moura.
Read: Nikki de Moura fails to enter Top 20 of Miss Grand International 2023
Dahil dito, hindi na nagkaroon ng interes ang karamihan sa Filipino beauty pageant fanatics na tapusin ang panonood ng live grand final night sa official YouTube channel ng Miss Grand International Organization.
Si Miss Grand Russia Anastasiia Volkonskaia ang Best in Gown awardee.
Hindi man nagkaroon ng puwesto si Nikki sa Miss Grand International 2023, panalo pa rin ang Pilipinas dahil ang Filipino designer na si Manny Halasan ang gumawa ng winning gown ng Russian candidate.

Ang Thai na si Nawat Itsagrisil ang founder ng Miss Grand International.
May dapat siyang ikabahala dahil halatang-halatang nabawasan na ang interes ng mga Pilipino sa kanyang itinatag na beauty pageant.
Tila tinupad ng mga Pilipino ang kanilang pangako noong 2022 na hindi na nila susuportahan ang Miss Grand International, na pinaratangang isang "cooking show" dahil hanggang first runner-up lamang ang pinakamataas na karangalang nakuha ng mga kandidata na ipinadadala ng ating bansa, kahit karapat-dapat silang magwagi.
Read: Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil apologizes to Pinoy pageant fans
Nag-trend noong Miyerkules ng gabi sa X Philippines (dating Twitter) ang Miss Grand International, pero hindi na ito kasing-ingay tulad ng mga nakaraang taon dahil parang nagsawa at napagod na rin ang ating mga kababayan sa pagbatikos kay Nawat.
Nararamdamang ang dahan-dahan na pagiging irrelevant beauty pageant sa Pilipinas ng Miss Grand International, at makikita ito sa Filipino bashers ni Nawat na malaking bilang ang nabawasan.