PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross Thanks Biological Father

Wilbert Ross: "Thank you na rin sa genes na ibinigay niya."
by Jojo Gabinete
Published Oct 26, 2023
wilbert ross
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nakatakdang umuwi si Wilbert Ross sa tahanan nila sa Davao sa Oktubre 31, 2023, para dalawin ang tatlong pamangkin niyang nasa pangangalaga ng kanyang ina.

Mahal na mahal ni Wilbert ang mga pamangkin, na nangibang-bansa ang mga magulang, at ito ang dahilan ng madalas na pag-uwi niya sa bayan na kanyang kinalakihan.

Dahil malapit na rin ang All Saints Day, tinanong ng Cabinet Files si Wilbert kung may plano itong bisitahin ang puntod ng kanyang biological father.

Wilbert din ang pangalan ng kanyang ama, pero hindi niya ito nakilala nang personal mula nang isilang ang singer-actor noong June 17,1997.

“Nadalaw ko na po siya once, six months ago. I think that’s enough,” sabi ni Wilbert.

Iginiit ng Viva actor na hindi na masama ang loob niya sa kanyang ama na namayapa noong 2020.

“My Chinese father kasi, iba siya. Hindi ko po siya na-meet before. Pictures lang ang nakita ko. May stepfather lang po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nalaman ko lang na namatay siya [biological father] noong pandemic dahil sa kapatid ko. Siya nagsabi sa akin,” kuwento ni Wilbert tungkol sa kanyang ama, na nanirahan din sa Davao pero hindi sila nagkita kahit nasa iisang lugar ang kanilang kinaroroonan.

Read: Wilbert Ross claims he's the victim of a power-tripping boss of It's Showtime

JIGSAW PUZZLE

Maihahalintulad sa isang jigsaw puzzle ang buhay ni Wilbert dahil unti-unting nasasagot ang mga katanungan at nabubuo ang pagkatao niya dahil sa kanyang mga natutuklasan.

“Nakakatawa itong story, oh my God!” pasaklaye ni Wilbert.

“May event po ako sa Kidapawan last month, sa KMCC Mall. Tapos, na-meet ko yung may-ari.

"Nang umalis na siya, tinawagan ako ng mama ko. Sabi niya, ‘Alam mo ba yung may-ari ng mall, pinsan yon ng tatay mo?’

“Oh my God! Tinawagan ko agad si Sir. Hindi rin niya alam na [pamangkin niya ako]. Ang nangyari po, nag-dinner kami sa bahay niya sa Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Alam mo ba yung tatay mo, high school pa kami, ganito na kami ka-close. You just call me Tito.’

“So, parang siya yung pinaka-connect ko sa dad ko. Sabi niya, ‘Mabait yan. Okey lang yan. For sure, happy siya na nagkita tayo.’"

THE FATHER HE NEVER MET

Ang lumaki na hindi nakikilala ang kanyang tunay na ama ang isang malungkot na bahagi noon ng buhay ni Wilbert, pero natanggap na niya ang katotohanan.

Kung may pinanghihinayangan siya, hindi nga sila nagkakilala nang personal ng kanyang ama.

Lahad ni Wilbert, “Dati kasi mabigat, pero habang tumatagal, parang nagma-mature din ako. Okay na rin.

“Sana na-meet ko siya. Alam ko man lang sana kung saan ako galing.

“Traditional Chinese din kasi sila. Okay na rin sa akin. Thank you na rin sa genes na ibinigay niya.

"Kung hindi dahil sa kanya, hindi ganito ang hitsura ko. Hindi ako ganito katangkad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi nga ng friends ko, yung buhay ko, parang novel na iba’t ibang chapters. May kanya-kanyang pinagdaanan.”

Nalaman kaya ng tatay mo na artista ka?

“I hope so. Sana…” sabi ni Wilbert.

"LAMPARA"

Minana ni Wilbert ang talento niya sa pagkanta at pagsayaw mula sa kanyang ina, na dating performer sa Japan, kaya hindi nakapagtatakang siya ang may komposisyon sa lahat ng mga bagong kanta niya, tulad ng "Lampara" na naghahatid ng inspirasyon at pag-asa.

Paliwanag ng singer-actor tungkol sa kanyang bagong kanta, “Lampara dahil sa madilim na gabi, laging may lampara. Lagi tayong may lampara sa buhay natin na nagbibigay-liwanag.

“Sino ang lampara ko ngayon? I guess, sobrang independent ko na po. Kaya ko nang sabihin na lampara ko yung sarili ko. Kaya ko na i-motivate ang sarili ko.

“Yung family ko, sumu-support sila sa akin, pero yung buhay ko po rito sa Manila, mag-isa lang po ako. Sila po sa Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, kapag may problem ako, hindi ko sila idinadamay. Nasanay po ako sa sarili ko na maging strong alone.”

Nangako si Wilbert na hindi niya hahayaang mawala at mabalewala ang mga oportunidad na dumarating ngayon sa kanya na bigay ng kanyang home studio, ang Viva Entertainment.

“Hindi po talaga ako titigil talaga hangga’t hindi nakikilala ang pangalan ko sa music industry.

"May plano po ako next year. Magkakaroon ako ng tour, Singer, Songwriter Din Po Ako Tour,” pagbabahagi ni Wilbert.

"HINDI AKO MASUWERTE, MASIPAG AKO"

May sagot si Wilbert sa obserbasyong kabilang siya sa mga mapalad na artista noong panahon ng pandemya dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto.

Read: Hashtags member Wilbert Ross, nabigyan ng second chance sa showbiz

Pahayag niya: “Hindi ako masuwerte. Masipag lang ako sa panahon ng pandemic.

“Isa po ako sa mga pinakamasipag kasi, sorry po, may mga friend ako na artist na sinasabi na suwerte ako dahil may nangyari sa akin. Sa kanila, wala raw silang work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sinabi ko nga sa kanila, ‘Nung pandemic ba, nag-upload ka ng mga vlog or videos para mapansin ka para hindi ka mawala sa limelight? Ginawa niyo ba yon? Sinipagan niyo ba? Nag-prepare ba kayo for the time na maging okay na lahat?'

“Kasi ako ginawa ko yan. Noong pandemic, nag-release ako ng song. Hindi ko pinabayaan na mawala ako sa limelight.

“Inantay ko lang yung time na bumalik sa dati at magkaroon ng opportunity.

"So, hindi po ako masuwerte. Para po sa akin, masipag lang ako.”

Matindi ang determinasyon ni Wilbert na makilala bilang mahusay na aktor at singer-songwriter dahil taglay niya ang lahat ng mga katangian para magtagumpay sa propesyon na kanyang pinili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results