PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anong nangyayari kay Diego, Kiko, at Mark Anthony?

Anak ni Mark na si Grae Fernandez, balik-Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Oct 28, 2023
diego kiko mark anthony
What's the common demominator among (from left) Viva artists Diego Loyzaga, Kiko Estrada, and Mark Anthony Fernandez?
PHOTO/S: Jojo Gabinete / VAA

Ang pagkakaroon ng amang artista na gumawa ng mga pelikula sa Viva Films ang common denominator nina Diego Loyzaga, Kiko Estrada, at Mark Anthony Fernandez.

Sina Diego, Kiko, at Mark ay pawang mga contract star ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng entertainment company na pag-aari ni Boss Vic del Rosario.

Dumalo sina Diego, Kiko at Mark sa pagdiriwang ng kaarawan ni Boss Vic sa Viva Café noong Oktubre 26, 2023.

Read: Viva big boss Vic del Rosario star-studded ang birthday celebration

May kanya-kanyang kuwento ang tatlong aktor.

Masayang sinabi ni Diego na limang buwan na ang kanyang panganay na anak na babae na kasalukuyang nasa Australia.

“She’s so adorable,” bakas sa mukha ang kaligayahan na sabi ni Diego, na malaya nang nakakapagkuwento tungkol sa kanyang anak dahil wala nang dahilan para ilihim niya ang pagiging ama.

Read: Diego Loyzaga hints at being dad to baby girl; netizens ask: "Who's the mother?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mismong ang tatay ni Diego na si Cesar Montano ang nagsasalita sa entertainment press tungkol sa kanyang apo. Si Diego ang anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Read: Cesar Montano reveals name of Diego Loyzaga's baby daughter

Paulit-ulit naman ang pasasalamat ni Kiko sa kanyang mother studio dahil sunud-sunod ang mga trabaho niya mula nang lumipat siya sa talent management company ng Viva.

Aminado si Kiko na malaki ang kinalaman ng mga proyekto nito sa kanyang pagpayat, pero masaya at kuntento siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang acting career.

Sina Gary Estrada at Cheska Diaz ang mga magulang ni Kiko. Dating contract star ng Viva Films si Gary na maraming pelikula rin ang ginawa sa kanyang home studio noong binata pa siya.

Read: Kiko Estrada and his romantic dalliances, past and present

Sina Rudy Fernandez at Alma Moreno ang ama at ina ni Mark, na permanente nang naninirahan sa Clark, Pampanga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi na nami-miss ni Mark ang pamumuhay sa Metro Manila at lumuluwas na lamang siya kapag may mga shooting o television guesting.

Gaya nina Diego at Kiko, hindi nawawalan ng mga pelikula si Mark dahil siya ang bida sa Para Kang Papa Mo, ang mapangahas na pelikula ng Viva Films at mula sa direksiyon ng kontrobersyal na filmmaker na si Darryl Yap.

Isang lalakeng dating “ namamakla” noong kabataan niya pero nagkaroon ng anak na bakla ang karakter na ginagampanan ni Mark sa Para Kang Papa Mo.

Read: Mark Anthony Fernandez, tunay o peke ang ipinakita sa frontal nudity sa Scorpio Nights 3?

Nang makausap ng Cabinet Files si Mark, excited na ibinalita niyang umuwi ng Pilipinas mula sa Amerika ang kanyang anak na si Grae Fernandez dahil may tinanggap itong project na hindi niya matanggihan.

Ipinagmamalaki ni Mark si Grae dahil bukod sa nag-aral ito sa New York, mas matangkad pa sa kanya ang panganay na anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatulong kay Grae ang matagal na pamamalagi sa Amerika para madagdagan ang kumpiyansa sa sarili.

Nagmumura ang star quality,” isa sa mga papuri kay Grae ng mga nakakasamaluha niya buhat nang bumalik siya sa Pilipinas.

Read: Anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae, gusto ring ma-penetrate ang Hollywood?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What's the common demominator among (from left) Viva artists Diego Loyzaga, Kiko Estrada, and Mark Anthony Fernandez?
PHOTO/S: Jojo Gabinete / VAA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results