PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, Nebrija kinastO

Tito Sotto: "Hulihin ng hulihin yan kahit sino!"
by Jojo Gabinete
Published Nov 17, 2023
tito sotto bong revilla bong nebrija
Tito Sotto (left): “Ito kasing mga gagong driver daan ng daan sa busway kahit hindi authorized. Hulihin ng hulihin yan kahit sino! Yung mga boss naman, sipain nyo mga driver nyong gago!”
PHOTO/S: TVJ Facebook / GMA Youtube

Brutally frank ang reaksiyon ng E.A.T. host at former Senate President na si Tito Sotto sa isyung kinasangkutan nina Senator Bong Revilla Jr. at suspended MMDA Task Force Special Operations chief Col. Bong Nebrija, noong Miyerkules, Nobyembre 15, 2023.

Read: Senator Bong Revilla reprimands MMDA officer over bus lane violation claim

Post ni Sotto sa kanyang X (dating Twitter) account: “Ito kasing mga gagong driver daan ng daan sa busway kahit hindi authorized. Hulihin ng hulihin yan kahit sino! Yung mga boss naman, sipain nyo mga driver nyong gago!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa ito, noong Nobyembre 8, ni-repost ni Sotto sa kanyang X account ang balita tungkol sa pahayag ni Nebrija, na nagalit dahil isang empleyado ng gobyerno na lulan umano ng pribadong sasakyan ang dumaan sa EDSA bus carousel lane o busway.

Pahayag ni Nebrija: “Dahil P1,000 lang ba penalty, puwede niyo nang ungguyin enforcers namin?

"Tinakbuhan mo legitimate apprehension. Nung naabutan ka, pasensya, e, muntik mong suwagin mga enforcers namin. Sa yo kaya namin gawin yan. Ano mararamdaman ng pamilya mo?

“Nakakalungkot na connected pa kayo sa gobyerno. Naka-display pa sa windshield niyo yung ahensiya at naka-embroider pa sa T-shirt niyo logo to resemble a government employee, e, private contractor naman kayo. Sarap ng buhay!”

Komento rito ni Sotto: “Dapat pati mga motorcycle escorts bawal! Daming makapal talaga!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: MMDA official Col. Edison "Bong" Nebrija umani ng papuri mula sa publiko matapos ang “face-off” nila ni Senator Bong Revilla

Matapos magalit si Revilla nang madamay ito sa traffic violation, na iginiit niyang wala siyang kinalaman, pinatawan ng preventive suspension si Nebrija na nagsimula kahapon, Nobyembre 16.

Sa media conference na ipinatawag ni MMDA Chairman Romande Artes kahapon, November 16, ipinaliwanag nito ang mga dahilan ng suspension kay Nebrija.

Read: MMDA Chairman Atty. Don Artes ipinaliwanag ang preventive suspension kay Col. Bong Nebrija

Pahayag niya, “Lilinawin ko po, na-suspend si Col. Nebrija, hindi po dahil sa pagpapatupad niya ng kanyang trabaho kundi he went overboard.

“Alam naman po natin very passionate at dedicated si Col. Bong Nebrija. Maaari pong sa kanyang pagiging passionate, e, medyo lumagpas siya sa kanyang tungkulin.

“Unang-una, hindi po dapat binabanggit yung mga pangalan ng mga nahuhuli. Sufficient na po yung maisyuhan ng ticket na penalty na mataas na nga po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung mababanggit po ang pangalan ng mga mahuhuli ay masa-subject lang na po sila unnecessarily sa bashing.

“Yan po kasi ay posibleng violation ng Data Privacy Act.

"Pangalawa po ang hindi muna niya vinerify yun pong kanyang mga pinangalanan," bahagi ng paglilinaw ni Artes tungkol sa preventive suspension na iginawad ng kanyang tanggapan kay Nebrija.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tito Sotto (left): “Ito kasing mga gagong driver daan ng daan sa busway kahit hindi authorized. Hulihin ng hulihin yan kahit sino! Yung mga boss naman, sipain nyo mga driver nyong gago!”
PHOTO/S: TVJ Facebook / GMA Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results