PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheynnis Palacios, Catriona Gray Pareho Miss World product

Sheynnis Palacios, kapareho ng kapalaran ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
by Jojo Gabinete
Published Nov 20, 2023
sheynnis palacios catriona gray
Newly crowned Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios (left) was Nicaragua's representative to the Miss World 2021 pageant, while Miss Universe 2018 Catriona Gray (right) was the Philippine bet in Miss World 2016.
PHOTO/S: @missuniverse on Instagram

Bago pa man nanalo si Sheynnis Palacios bilang Miss Universe 2023 sa San Salvador, El Salvador, noong Nobyembre 18, 2023 (Nobyembre 19 sa Pilipinas), may suot nang korona ang kanyang ina na si Raquel Cornejo .

Umiiyak na napaluhod si Raquel nang mapanood at marinig niya sa telebisyon na ang pangalan ni Shyennis ang tinawag bilang bagong Miss Universe.

Read: Miss Nicaragua crowned Miss Universe 2023; Michelle Dee reaches Top 10

raquel cornejo sheynnis palacios

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sarado-Katoliko at madasalin si Raquel na maligayang-maligaya dahil gumawa ng kasaysayan sa kanilang bansa ang kanyang anak bilang unang Miss Universe mula sa Nicaragua.

Hindi baguhan sa pagsali si Sheynnis sa mga beauty pageant.

Siya ang kinatawan ng Nicaragua sa 70th Miss World na ginanap sa San Juan, Puerto Rico, noong March 17, 2022.

sheynnis palacios miss world 2021

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalad si Sheynnis na manalo sa Miss World 2021, pero masuwerte siya sa kanyang paglahok sa Miss Universe 2023, na magpapaalala sa lahat sa pageant journey ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Si Catriona ang inilaban ng Pilipinas sa Miss World 2016 na ginanap noong December 2016. Natalo si Catriona sa 66th edition ng Miss World pero kabilang siya sa Top 5 finalists.

catriona gray miss world 2016

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gaya ni Sheynnis, makalipas ang dalawang taon, sinubukan niya ang kanyang kapalaran sa Miss Universe 2023 at nanalo siya.

Agad na naglabas ng pagbati kay Catriona ang Miss World Organization sa kanilang mga social media platform dahil sa tagumpay ng Filipina beauty queen sa Miss Universe noong Disyembre 2018.

Kabilang si Sheynnis sa Top 40 candidates ng 70th Miss World pero hindi pa siya nakatatanggap ng congratulatory message mula sa Miss World Organization matapos siyang koronahan bilang 72nd Miss Universe.

Bukod kina Sheynnis at Catriona, Miss World alumna rin si Miss Universe 1991 Michelle McLean ng Namibia.

michelle mclean

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fourth runner-up si Michelle sa 41st Miss World na idinaos sa Georgia, USA, noong Disyembre 1991.

Nang sumunod na taon, siya ang kinoronahang 41st Miss Universe 1992 sa Bangkok, Thailand.

Hindi dapat kalimutan na gaya nina Michelle, Catriona, at Sheynnis, produkto rin ng Miss World si Michelle Marquez Dee.

Kasama si Michelle sa Top 12 candidates ng Miss World 2019 at kasali naman siya sa Top 10 contestants ng katatapos na Miss Universe 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newly crowned Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios (left) was Nicaragua's representative to the Miss World 2021 pageant, while Miss Universe 2018 Catriona Gray (right) was the Philippine bet in Miss World 2016.
PHOTO/S: @missuniverse on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results