PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhen Escaño sees white lady on movie set

Horror movie na Marita, halaw sa totoong kuwento sa isang unibersidad.
by Jojo Gabinete
Published Nov 22, 2023
rhen escano marita
Rhen Escaño plays the title character in the horror mvie Marita. Rhen says she experienced a true-to-life horror story while shooting their movie: "Nasa loob kami ng mismong theater kung saan kami nagsu-shoot, nasa itaas kami at walang ilaw sa ibaba. Hindi ako matatakutin pero biglang napatingin ako sa ibaba kasi parang may dumaan talaga na naka-white."
PHOTO/S: Viva Films

Ayon sa direktor ng Marita na si Roni Benaid, halaw sa mga tunay na pangyayari ang kuwento ng horror movie na pinangungunahan nina Louise delos Reyes at Rhen Escaño.

Isang stage actress na nagmumulto sa tanghalan ng pamantasan na kanyang pinapasukan ang kuwento ng Marita.

Pinatotohanan ng dalawang aktres, isang television host, at entertainment writer na nakausap ng Cabinet Files na totoo ang pahayag ni Direk Roni dahil totoong may nagmumulto sa unibersidad na pinanggalingan nila.

Sinabi ng aktres na namatay noong dekada ’70 ang stage actress na nagpapakita sa mga estudyanteng tinutukoy nila ni Direk Roni at ng ibang mga nagtapos sa pamantasang hindi na namin babanggitin ang pangalan bilang proteksiyon sa naturang institusyon.

Inamin ni Direk Roni na kahit halaw sa mga tunay na karanasan at pangyayari, may mga idinagdag siya sa kuwento ng Marita para maging mas nakakatakot ito dahil kumikita o pinipilahan sa takilya ang mga horror movie, tulad ng kanyang huling proyekto, ang Mary Cherry Chua na nagbukas sa mga sinehan noong July 19, 2023 at halos isang buwang ipinalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Rhen ang gumanap sa katauhan ni Marita, ang stage actress na hindi matanggap na may ibang mga babae na nagbibida sa mga stage play na itinatanghal sa kanilang paaralan.

Nagpakamatay si Marita, sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa entablado at sa harap ng mga manonood, dahil masakit sa kanyang iba ang bida.

Seryoso si Rhen nang sabihin nitong may nakita siyang babae at may naramdamang kakaiba nang kunan ang mga eksena niya sa isang lumang kolehiyo sa Maynila.

Lahad niya, “Nasa loob kami ng mismong theater kung saan kami nagsu-shoot, nasa itaas kami at walang ilaw sa ibaba.

"Hindi ako matatakutin pero biglang napatingin ako sa ibaba kasi parang may dumaan talaga na naka-white.

"Ang weird dahil yung kasama ko, tumingin din siya, sabay kami. So, ibig sabihin, hindi lang ako ang nakakita at hindi lang yon guni-guni.

“Sabi ko, ‘Nakita mo yon?’ Sabi niya, ‘Oo, nakita ko.’”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naganap ang red-carpet premiere ng Marita sa SM Megamall Cinema noong Martes ng gabi, Nobyembre 21, 2023.

Sa kalagitnaan, biglang huminto ang pagpapalabas sa pelikula, sinindihan ang mga ilaw dahil may mga babaeng nakakatakot ang hitsura, nakasuot ng puting damit na pumasok at paikot na nagtatakbo sa loob ng sinehan.

Hindi guni-guni ang nakita ng manonood dahil mga talent sila na kinopya ang anyo at kasuotan ni Marita para manakot ng mga tao, pero nagpaunlak magpakuha ng litrato sa Cabinet Files.

marita impostors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento ng mga impostor ni Marita na tumagal ng tatlong oras ang paglalagay sa kanila ng makeup para magaya ang malakas makagulat na mukha ng karakter na ginampanan ni Rhen sa pelikula na palabas sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, Nobyembre 22, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño plays the title character in the horror mvie Marita. Rhen says she experienced a true-to-life horror story while shooting their movie: "Nasa loob kami ng mismong theater kung saan kami nagsu-shoot, nasa itaas kami at walang ilaw sa ibaba. Hindi ako matatakutin pero biglang napatingin ako sa ibaba kasi parang may dumaan talaga na naka-white."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results