PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Jakrajutatip nahaharap sa panibagong US$28.3M embezzlement case

Anne Jakrajutatip, hindi matapus-tapos ang problema sa pananalapi.
by Jojo Gabinete
Published Nov 24, 2023
anne jakrajutatip
Nagkakahalaga ng US$28.3 million o 1 billion baht ang bagong kasong isasampa ng TSG laban kay Anne Jakrajutatip ng JKN Global dahil sa embezzlement at damages.
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram

Kasalukuyang ginaganap nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 25, 2023 sa The Emerald Hotel sa Ratchadaphisek, Bangkok, Thailand, ang press conference ng Total Communication Social Media Group Co., LTD (TSG) tungkol sa bagong kasong isasampa nila laban kay Anne Jakrajutatip ng JKN Global Group.

Si Anne ang may may-ari ng Miss Universe Organization.

Read: Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip faces debt problem

Personal na tumawag ang Cabinet Files sa The Emerald Hotel. Kinumpirma ng front desk officer na aming nakausap na may function room na nakareserba para sa TSG kaya tuloy na tuloy ang media conference na kanilang ipinatawag.

Hindi matapus-tapos ang problema ni Jakrajutatip sa pananalapi mula nang aminin niyang sumasailalim sa “debt rehabilitation” ang kanyang kompanya.

Read: Miss Universe owner Anne Jakrajutatip's JKN Global files for debt rehabilitation

Ang legal na kasong isasampa ng TSG laban kay Jakrajutatip ang agenda ng media conference.

Unang nagdemanda ang TSG noong Setyembre 25, 2023 dahil sa diumano’y maling impormasyong walang kinalaman ang Miss Universe Organization at ang JKN Global Group sa cryptocurrency na may pangalang "Miss Universe coin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "Miss Universe coin" ay inilunsad sa Philippine Blockchain Week na ginanap sa isang hotel sa Metro Manila, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Nagkakahalaga ng US$3 million (100 million baht) ang unang asunto laban kay Jakrajutatip dahil sa pagtanggi nitong hindi umano sangkot sa cryptocurrency ang kanyang mga kompanya, pero iba ang impormasyon na nakarating sa TSG.

Ngayong Biyernes, nagkakahalaga ng US$28.3 million o 1 billion baht ang bagong kasong isasampa ng TSG laban kay Jakrajutatip dahil sa embezzlement at damages.

Malaking dagok ito sa Thai transgender billionaire at sa kanyang mga negosyo.

Ang napatalsik na Miss Universe Mexico national director na si Miss Universe 1991 Lupita Jones ang isa sa mga nagbabala sa kanyang mga kababayan na mag-ingat sa pakikipagnegosasyon kay Jakrajutatip dahil sangkot ito sa mga isyu ng bankruptcy at fraud.

Imposibleng walang epekto kay Jakrajutatip ang bagong kasong isasampa ng TSG na isang patunay na hindi dapat ipagwalang-bahala ang paalaala ni Jones na nagmamalasakit sa kanyang bayan dahil idaraos ang 73rd Miss Universe sa Mexico sa 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anne Jakrajutatip says Miss Universe will be her first priority after JKN Global Group filed for bankruptcy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkakahalaga ng US$28.3 million o 1 billion baht ang bagong kasong isasampa ng TSG laban kay Anne Jakrajutatip ng JKN Global dahil sa embezzlement at damages.
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results