PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Cervantes: Bisexual & 3-Year Girlfriend

Angelica Cervantes, inaming si Rhian Ramos ang girl crush niya sa showbiz.
by Jojo Gabinete
Published Nov 24, 2023
angelica cervantes vivamax
Angelica Cervantes on her preference: “Ako po, wala. I mean, ang usual follow-up question sa akin, kung ano ang gusto ko. Meron naman po kaming physical intimacy [ng girlfriend ko], pero kung iko-compare, kung sino ang nandiyan, walang difference. Basta hindi ako magiging sexual sa isang tao unless meron akong nararamdaman emotionally.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @anglcrvnts_ on Instagram

Gaya ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, openly bisexual din ang Vivamax star na si Angelica Cervantes.

Read: Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee: "I definitely identify myself as bisexual."

Tiniyak ni Angelica na hindi makakaapekto sa kanyang career bilang sexy star ang sexual orientation niya.

“Work is work. Huwag ninyo nang pakialaman. Ito yung gusto ko, e.

"Napapanood ninyo naman ako, diyan na kayo. Pabayaan ninyo ako,” prangkahang sabi ni Angelica sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng entertainment media sa press conference ng Haslers, ngayong Biyernes ng tanghali, Nobyembre 24, 2023.

Dagdag ng sexy star, “Nagpapatunay lang na wala naman sa gender yan. Basta professional ka, magaling ka sa ginagawa mo, walang problema yon.

“Honestly, sa panahon ngayon, dapat maging open na tayo sa ganun. Kasi kapag bakla, okay lang? Kapag babae, may babaeng dyowa, hindi okay?”

Inamin din ni Ana ngelica tatlong taon na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labag daw sa kalooban ng kanyang girlfriend ang paghuhubad na ginagawa niya sa mga pelikula.

Naranasan daw noon ni Angelica na magkaroon ng karelasyong lalake.

Nagpaliwanag agad siya bago pa magtanong ng mas personal na isyu ang kanyang mga kausap na entertainment reporter.

Saad niya, “Ang babae po kasi, mas open.

"Pero alam ko po, kasunod na itatanong ninyo tungkol sa physical [intimacy], hindi po ako dun nagbe-base.

“'Anong gusto mo, yung sa babae o sa lalake na kiyeme?'

“Ako po, wala. I mean, ang usual follow-up question sa akin, kung ano ang gusto ko.

“Meron naman po kaming physical intimacy [ng girlfriend ko], pero kung iko-compare, kung sino ang nandiyan, walang difference.

“Basta hindi ako magiging sexual sa isang tao unless meron akong nararamdaman emotionally.”

Tinanong ng Cabinet Files ang aktres na girl crush niya.

“Ay, si ano po, si Rhian Ramos,” kinilig na sagot ni Angelica tungkol sa aktres na dating housemate ni Michelle Dee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May reaksiyon din ang Vivamax star sa resulta ng pagsali ni Michelle sa Miss Universe 2023.

“Marami po akong naririnig na imbes na crown ang iuwi, si Miss Thailand [ang nauwi ni Michelle]!” natawang pahayag ni Angelica tungkol sa kanyang kabaro na binibigyan ng malisya ang pakikipagkaibigan kay Miss Universe 2023 first runner-up Anntonia Porsild ng Thailand.

Read: Michelle Dee, Anntonia Porsild comfort each other after Miss Universe 2023

Nagbitaw rin ng salita si Angelica na stepping stone lamang ang kanyang pagpapaseksi sa pelikula.

Plano raw niyang talikuran ang paghuhubad sa pelikula kapag nabigyan siya ng malaking oportunidad na magpapakita sa kanyang kakayahan bilang mahusay na aktres.

Ang Haslers, ang sexy drama movie na mapapanood sa Vivamax simula sa Disyembre 8, 2023, ang bagong pelikulang pinagbibidahan ni Angelica.

Nag-umpisa ang acting career ni Angelica noong 2021.

Ang Biyak, Eva, Kaliwaan, Silab, at Home Service ang ilan sa mga proyekto niya sa Vivamax.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Cervantes on her preference: “Ako po, wala. I mean, ang usual follow-up question sa akin, kung ano ang gusto ko. Meron naman po kaming physical intimacy [ng girlfriend ko], pero kung iko-compare, kung sino ang nandiyan, walang difference. Basta hindi ako magiging sexual sa isang tao unless meron akong nararamdaman emotionally.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @anglcrvnts_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results