PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gretchen Barretto, magiging lola na!

Dominique Cojuangco at Michael Hearn: “Little blessing arriving in 2024."
by Jojo Gabinete
Published Nov 25, 2023
Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco
Gretchen Barretto (left), magkakaapo na sa anak na si Dominique Cojuangco-Hearn (right). Right photo: Ang Instagram Reel na announcement nina Dominique at asawa nitong si Michael Hearn ng "little blessing arriving in 2024."
PHOTO/S: @gretchenbarretto_fans Instagram / @dominique Instagram

Magiging lola na si Gretchen Barretto sa 2024!

Inanunsyo na ng kanyang anak na si Dominique Cojuangco at ng asawa nitong si Michael Hearn na magkakaroon sila ng anak sa susunod na taon.

Read: Dominique Cojuangco now married to Michael Hearn

“Little blessing arriving in 2024,” ang inanunsyo nina Dominique at Michael sa isang video post sa kanilang Instagram accounts ngayong Sabado, Nobyembre 25, 2023, tungkol sa bagong biyayang natanggap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban sa ibinahaging balita tungkol sa grasyang kanilang natanggap, hindi na nagbigay ng ibang detalye sina Dominique at Michael.

Sina Jerika Ejercito, Leila Alcasid, at Sofia Andres ang ilan sa mga nagpahatid ng mensahe ng pagbati sa mag-asawa na malapit nang maging mga magulang.

Sofia Andres

Jerika Ejercito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Leila Alcasid

Ikinasal sina Dominique at Michael sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila, noong Marso 4, 2023 at ginanap ang wedding reception nila sa National Museum.

Read: Say "I Do" in History: National Museum Wedding Costs and Details

Matagal nang hindi aktibo si Gretchen sa social media kaya inaabangan ng publiko ang kanyang pahayag tungkol sa paparating na bagong miyembro ng kanilang pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Dominique ang nag-iisang anak ni Gretchen at ng businessman na si Tonyboy Cojuangco at dahil parehong mga kilalang personalidad ang mga magulang niya, nasubaybayan ng publiko ang kanyang kabataan, pagdadalaga hanggang magpakasal siya kay Michael.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left), magkakaapo na sa anak na si Dominique Cojuangco-Hearn (right). Right photo: Ang Instagram Reel na announcement nina Dominique at asawa nitong si Michael Hearn ng "little blessing arriving in 2024."
PHOTO/S: @gretchenbarretto_fans Instagram / @dominique Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results