Umagaw ng atensiyon ang bunsong kapatid ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee na si Abraham Lawyer nang samahan niya ang kanyang ate sa mga guesting nito sa mga programa ng GMA-7, kahapon, Novemner 27, 2023.
Parang artistang pinagkaguluhan ang 20-year-old son ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez at ng asawa nitong si Randy "Adam" Lawyer dahil marami ang nagpakuha ng litrato na kasama siya.
Read: Abe Lawyer nakipagchikahan sa kanyang fans
Hindi marunong magsalita ng Tagalog si Abraham dahil lumaki ito sa Amerika.
“Konti lang” ang kanyang sagot nang itanong ng Cabinet Files kung nakakaintindi siya ng Tagalog.
May taas na 6’5 ½" si Abraham at interesado siyang magkaroon ng showbiz career, pero plano muna niyang magtapos ng pag-aaral kaya panandalian lamang ang kanyang pananatili sa Pilipinas.
Read: Artistahing bunsong anak ni Melanie Marquez na si Abe Lawyer, pasukin din kaya ang showbiz?
Sinabi ni Abraham na babalik siya sa Amerika sa Enero 2024 dahil sa kanyang binabalak na four-year marketing course sa isang private institution.
Kung sakaling may mga alok na trabaho para sa kanya, kukunin niya ang serbisyo ng isang associate na tutulungan siyang magkaroon ng “certain jobs that will provide a lot of income.”
“Yeah, I’m planning to learn Tagalog, but I do plan in going on to agencies that will be more based in the U.S.,” karagdagang pahayag ni Abraham.
Hindi baguhan si Abraham sa pagiging ramp model dahil minsan na siyang nagmodelo para sa isang sikat na clothing brand sa Pilipinas noong teenager pa siya.
Read: Michelle Dee, emosyunal matapos ang speech para sa kanya ng kapatid na si Abraham Lawyer
Apat na taon na ang nakararaan mula nang umalis si Abraham sa Pilipinas.
Nagpunta siya sa Amerika noong 2019 at dalawang taong nagsilbi bilang missionary sa Chile ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints o Mormon church.

Natapos noong Oktubre 2023 ang full-time mission ni Abraham para sa Mormon Church, bumalik siya sa Amerika, sinuportahan ang pagsali ni Michelle sa 72nd Miss Universe sa El Salvador at umuwi sa Pilipinas noong nakaraang linggo.