PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony, Jomari Yllana Resolve Rift

Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana, apat na taon ang inabot ng hidwaan.
by Jojo Gabinete
Published Nov 29, 2023
mark anthony fernandez jomari yllana
Mark Anthony Fernandez (left) on rift with Jomari Yllana (right): “Basta malalim, pero ever since sa pulitika, never magkakampi ang mga alyansa namin. Magkaiba yung partido. Pero hindi yon ang dahilan. Naayos na namin, nagkausap na kami sa telepono."
PHOTO/S: @viva_films / @jomariyllana on Instagram

Ang Para Kang Papa Mo ang dapat na reunion movie ng Guwapings, ang teenage heartthrobs group nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Eric Fructuoso na kinabaliwan ng mga kabataan noong dekada ’90.

Pero hindi natuloy ang kanilang pagsasama dahil sa hidwaan ng dalawang miyembro.

Sa panayam ng Cabinet Files sa direktor ng Para Kang Papa Mo na si Darryl Yap noong Oktubre 23, 2023, isiniwalat niyang hindi natuloy ang partisipasyon ni Jomari dahil sa alitan nito at ni Mark.

Si Jao Mapa ang ipinalit sa karakter na gagampanan sana ng incumbent councilor ng Parañaque City.

Read: Darryl Yap, binuking na nagkaalitan sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez

Sa media conference ng Para Kang Papa Mo nitong Miyerkules ng tanghali, Nobyembre 29, kinumpirma ni Mark sa Cabinet Files na nagkaroon sila ng hidwaan ni Jomari.

Hindi sinabi ni Mark ang kumpletong detalye ng malalim na hindi nila pagkakaunawaan ni Jomari. Pero wala raw itong kinalaman sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Mark, naayos na ito dahil nagkausap na sila.

“Basta malalim, pero ever since sa pulitika, never magkakampi ang mga alyansa namin. Magkaiba yung partido. Pero hindi yon ang dahilan.

"Naayos na namin, nagkausap na kami sa telepono."

Sino ang nag-reach out?

“Si Jom ang tumawag sa akin tapos nagkausap kami. Sinabi ko yung side ko. Naplantsa rin naman,” sabi ni Mark.

Gaano katagal ang alitan ninyo?

“Ang alam ko mga four to five years. Medyo malalim, nagkatampuhan. Siguro sa biruan [nagsimula] at ako yung nagtampo,” pag-amin ni Mark.

Handa na raw makatrabaho si Jomari sa mga proyekto dahil nalutas na nga ang sigalot sa kanilang pagitan.

Ipinagmamalaki ni Mark ang Para Kang Papa Mo dahil sa importansiyang ibinigay sa kanya ng home studio niya.

Bukod sa magandang billing ng kanyang pangalan, ang larawan ni Mark ang makikita sa poster ng pelikula kaya maligayang-maligaya siya.

para kang papa mo poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tumataba ang puso ko na pinagkatiwalaan uli tayo ng Viva. Sana tangkilikin ng mga kababayan natin,” nakangiting sabi ni Mark.

Pero may lungkot sa mga mata niya dahil naghiwalay na sila ng kanyang karelasyon.

“Napahiwalay ako, wala akong kasintahan ngayon. Maraming dahilan, e, pero feeling ko dahil kailangan blessed talaga para mag-work.

“Kailangan sentro si Lord. Kapag na-bless ka, lahat ng senyales, go!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez (left) on rift with Jomari Yllana (right): “Basta malalim, pero ever since sa pulitika, never magkakampi ang mga alyansa namin. Magkaiba yung partido. Pero hindi yon ang dahilan. Naayos na namin, nagkausap na kami sa telepono."
PHOTO/S: @viva_films / @jomariyllana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results