Kinumpirma ni Eric Fructuoso na naging girlfriend niya noon si Toni Gonzaga at nagtagal ng ilang taon ang kanilang relasyon.
Ibinunyag din ni Eric na nauna niyang naging girlfriend si Claudine Barretto.
Si Toni ay kasal na sa film and commercial director na si Paul Soriano.
Nangyari ang rebelasyon ni Eric sa episode ng GMA-7 lifestyle show na Sarap, Di Ba? noong nakaraang weekend.
Kasama ni Eric na nag-guest ang fellow Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez at Jao Mapa.
Ang “hot seat question” kay Eric: totoo bang nagkaroon sila ng relasyon noon ni Toni Gonzaga?
“Parang di ko in-expect yun, ah,” sambit ni Eric.
“Oo, meron,” kumpirmasyon ng aktor.
Read: Eric Fructuoso will become a grandfather at age 44: “I’m gonna be a lolo! A hot lolo!”
Inulit muli ng host na si Carmina Villarroel ang tanong kay Eric kung nagkarelasyon sila ni Toni.
“Yes,” pagkumpirma muli ni Eric.
Sinundot ito ng tanong ni Carmina kung sino ang naunang nakarelasyon ni Eric—si Claudine Barretto o si Toni.
“Si Clau,” sagot ni Eric.
Read: Eric Fructuoso opens up about separation from wife: "Na-realize ko ang tanga ko pala."
Sumundot pa ng tanong si Carmina kung gaano katagal naging karelasyon ni Eric si Toni.
“Siguro rough estimate, lahat-lahat, kasama na yung wala lang at may commitment, siguro may mga three years, almost two years…” tugon ng aktor.
Hindi naman kinunan ng reaksiyon si Mark Anthony na naging karelasyon din noon ni Claudine.
Humirit si Carmina ng tanong kung nagkaroon ba ng pagkakataon noon na nagkagusto sila sa iisang babae.
Sa Mark ang unang sumagot. Sabi niya, hindi niya nagagawang manligaw noon nang mag-isa kaya kasama niya ang iba pang Guwapings kapag may pinopormahang babae.
“Maya-maya magkakagusto na si Eric, nagkakaroon na ng conflict,” sabi ni Mark.
Pagkontra naman ni Eric, “Sila nagkakagusto sa akin.”
Read: Is Claudine Barretto open to reconciliation with ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez?
Tinanong ni Carmina si Eric kung bakit bakit nakipag-break noon sa kanya ang mga naging kasintahan.
“Nagigising sila sa katotohanan,” nakangiting sagot ng aktor.
Tinukso rin ni Carmina si Eric kung gaano karami ang naging kasintahan nito at ang kanyang pagiging chickboy.
Pabirong sagot ni Eric, "Hindi ko naman sinasagot lahat."
Read: Eric Fructuoso on constantly receiving indecent proposals: "Nakaka-degrade."
