PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina ni Direk Mac, aktibo sa simbahan

Direk Mac, tinitiyak na may plaster at bimpo ang mga artista bago sumalang sa sex scenes.
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2023
mac alejandre mother
Direk Mac Alejandre on his 85-year-old mother: “Nakakatawa yan, kasi simbahan, di ba? Sabi ng sisters niya sa simbahan, 'Lolit, bigyan mo ng pera ang anak mo. Baka kailangan niya ng pera.'"
PHOTO/S: Vivamax / Instagram

Ngayong Biyernes, Disyembre 8, 2023, ang kaarawan ng award-winning director na si Mac Alejandre.

Magiging masaya ang pagdiriwang ni Direk Mac dahil naririto sa Pilipinas ang kanyang ina at kapatid na umuwi mula sa ibang bansa para makapiling siya sa importanteng araw sa buhay niya.

Eighty-five years old na ang ina ni Direk Mac na si Lolit Alejandre, pero malakas at maliksi pa rin ang kilos nito nang isama ng direktor sa nakaraang media conference ng Ganti-Ganti, ang Vivamax movie na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Yen Durano, at Mark Anthony Fernandez.

Aktibo sa mga gawain sa simbahan ang nanay ni Direk Mac.

May nakakatawang kuwento ang direktor tungkol sa personal na karanasan ng kanyang ina.

“Nakakatawa yan, kasi simbahan, di ba? Sabi ng sisters niya sa simbahan, 'Lolit, bigyan mo ng pera ang anak mo. Baka kailangan niya ng pera,'" aliw na aliw na lahad ni Direk Mac.

Akala raw kasi sa mga kasamahan sa simbahan ng kanyang ina ay gumagawa ng mga pelikula at original series si Direk Mac para sa Vivamax dahil kailangang-kailangan nito ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinagtatawanan namin ni Mama. Ang sabi ko sa kanya, ‘Mama, does it matter to you? Are you bothered?’

“Sabi niya, 'No!'

“'What do you tell your sisters in church?'

“'Malaki na ang anak ko, I trust him!’" sagot daw ng kanyang ina.

Walang Vivamax app ang ina ni Direk Mac kaya hindi nito napapanood ang mga proyekto ng direktor na anak para sa nasabing streaming site.

NO PLASTER, NO SEX SCENES

Si Mac ang direktor na malaki ang respeto sa kanyang mga artista kaya maingat na maingat siya kapag mga intimate love scene ang kukunan niya.

Hindi pumapayag si Direk Mac na walang plaster ang mga pribadong bahagi ng katawan ng mga artista at gumagamit siya ng bimpo kapag mga suggestive pumping ang hinihingi ng istorya at eksena.

“Meron akong bimpo kapag magkapatong sila. Tapos may times na nakikita ang mga plaster, hindi maiiwasan, nabubura yon sa post-production,” kuwento niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahigpit din daw siyang nagbabantay sa editing room para makatiyak na walang mga makakalusot na eksenang maglalagay sa kanyang mga artista sa mga alanganing sitwasyon.

Gumawa kamakailan ng ingay ang Vivamax movies sa 2023 Asian Content and Film Market ng Busan International Film Festival sa South Korea.

Mahigit sa 60 ang bilang ng mga binili ng Asian distributors—ang Lumixmedia, WithLion at Jaye Entertainment ng South Korea at Nettai Museum ng Japan.

“Vivamax haul is one of the largest ever in Philippine entertainment history," sabi ng mga saksi sa naganap na bentahan ng Vivamax movies.

Ikinatuwa ito ni Direk Mac dahil malaking tulong sa local movie industry ang nangyari.

“How nice! How nice na may market for an industry that is struggling. Any opportunity for income will help the industry.

“Anuman ang mga pelikulang lumalabas ngayong panahong ito ay sagot sa sitwasyon ng industriya. May saysay yan.

"Anuman ang paghuhusga ay dapat nasa konstekto ng kalagayan ng industriya sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At ano ang gagawin ko? Mamumuna sa isang industriyang naghihingalo?

"Hindi! Kikilos ako para makatulong rather than magkomento nang magkomento.

"At the end of the day, I am part of an industry. Kailangan kong kumilos," reaksiyon ng direktor.

Walang nakikitang mali si Direk Mac sa paggawa niya ng mga mapapangahas pero disenteng pelikula para sa streaming site na meron nang 7 million subscribers sa iba’t ibang panig ng mundo—sa Asia, Europe, Middle East, at North America.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Mac Alejandre on his 85-year-old mother: “Nakakatawa yan, kasi simbahan, di ba? Sabi ng sisters niya sa simbahan, 'Lolit, bigyan mo ng pera ang anak mo. Baka kailangan niya ng pera.'"
PHOTO/S: Vivamax / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results