PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pops Fernandez hindi pa nakikita nang personal ang kanyang unang apo

Pops Fernandez, may 44th anniversary at pre-Valentine concert.
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2024
pops fernandez grandson
Pops Fernandez on being a first-time grandmother: "Hindi pa ako makapaniwala, although nakikita ko na siya [videos], until siguro I touch him, carry him. But, of course, we’re very excited."
PHOTO/S: @popsfernandezofficial on Instagram

Hindi pa nakikita nang personal ni Pops Fernandez ang kanyang unang apo na si Phineas Atlas dahil hindi pa siya nakakabalik sa Amerika.

Si Phineas ang panganay na anak ni Robin Nievera at ng girlfriend nitong si Michelle Acoba. Isinilang siya noong Disyembre 16, 2023.

Read: Pops Fernandez, "Lollipops" ang gustong tawag sa kanya ng unang apo niya

Hindi nagkakalayo ang petsa ng kaarawan ni Pops at ng kanyang apo dahil Disyembre 12 nang ipanganak siya noong 1966.

Nang makausap ng Cabinet Files si Pops, sinabi niyang napaaga ang panganganak ng girlfriend ni Robin dahil nakatakda itong magsilang ngayong Enero 2024.

Gustuhin man ni Pops na makita nang personal ang kanyang apo, hindi pa siya puwedeng makaalis ng Pilipinas.

Pinaghahandaan na kais niya ang kanyang dalawang magkasunod na gabi na concert sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino, ang Always Loved, A Pops Fernandez Concert, na itatanghal sa Pebrero 9 at Pebrero 10, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Always Loved ang 44th anniversary concert ni Pops na nag-umpisa ang entertainment career noong Disyembre 1979 sa edad na labintatlo.

Magsisilbi ring pre-Valentine show ang anniversary concert ni Pops, na tiyak lilipad sa Amerika pagkatapos ng Always Loved para makapiling ang kanyang apong nasisilayan lamang niya sa mga video call nila ni Robin.

Kuwento ni Pops, “Hindi pa ako makapaniwala, although nakikita ko na siya [videos], until siguro I touch him, carry him. But, of course, we’re very excited.

“Ngayon, kapag tinatawagan ko si Kuya [Robin], straight to the baby. Dati kasi, ‘Kuya!' Ayaw niya magpakita sa camera. 'Mom, I’m not dressed.'

"Tapos ngayon may video na, straight to the baby. Sila na yung nagbibigay ng update."

Hindi pa alam ni Pops kung saan nanggaling ang pangalang Phineas Atlas ng kanyang apo.

“Sa Amerika kasi uso sa mga Hollywood star yung not common names, unique names,” ani Pops, na sabik nang makasama si Phineas na una nang nakita ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez on being a first-time grandmother: "Hindi pa ako makapaniwala, although nakikita ko na siya [videos], until siguro I touch him, carry him. But, of course, we’re very excited."
PHOTO/S: @popsfernandezofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results