PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiro Manio ibinenta ang Urian best actor trophy sa halagang PHP75K

Manunuri Butch Francisco nag-react sa pagbenta ni Jiro ng Urian trophy.
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2024
jiro manio gawad urian
Former child actor Jiro Manio sells his Gawad Urian 2004 best actor trophy to Boss Toyo for PHP75,000.
PHOTO/S: Boss Toyo Production YouTube

“I am happy for him. We’re glad to be of service.”

Ito ang natatawang reaksiyon ng ni Butch Francisco, isang miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, sa ginawang pagbenta ni Jiro Manio ng Gawad Urian trophy nito.

Ang Manunuri ang nagbibigay ng Gawad Urian, na ibinenta ni Jiro sa content creator at businessman na si Jayson Luzadas, na higit na kilala sa pangalang Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars.

Read: Kapuso Mo, Jessica Soho chronicles Jiro Manio's rise and fall

Gumawa ng kasaysayan si Jiro sa movie industry dahil, sa edad na labindalawa (12), siya ang pinakabatang nanalo ng Pinakamahusay na Aktor sa 27th Gawad Urian noong 2004.

Nagwagi si Jiro dahil sa mahusay at makabagbag-damdaming pagganap sa Magnifico, ang pelikulang ipinalabas sa sinehan noong Enero 29, 2003.

magnifico poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang dalawang dekada matapos siyang manalo sa Gawad Urian, muling pinag-uusapan si Jiro dahil ibinenta nito kay Boss Toyo ang kanyang best actor trophy sa halagang PHP75,000.

Amused na amused si Butch sa ginawa ni Jiro, pero totoong natuwa rin siya dahil naibenta sa malaking halaga ang Gawad Urian trophy.

Hindi raw kasi bababa sa PHP6,000 ang halaga ng pagpapagawa ng MPP sa trophy.

Biro ni Butch, “Kung gusto ni Boss Toyo, ire-refer ko siya sa gumagawa ng mga trophy ng Gawad Urian para makamura siya.”

Malaking tulong ang PHP75,000 kay Jiro.

Alam ng lahat na dumaan sa maraming pagsubok ang dating child actor nang tumamlay ang takbo ng kanyang acting career dahil sa mental health issues at pagkalulong sa masamang bisyo.

Read: Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

One hundred thousand pesos ang unang presyong sinabi ni Jiro kay Boss Toyo para sa kanyang Gawad Urian trophy, pero nagkasundo sila sa halagang P75,000.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Plano ni Boss Toyo na ilagay sa kanyang museum ang acting award ni Jiro mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Pero walang pangalan ang batang aktor sa tropeyo dahil hindi nito naipa-engrave ang kanyang pangalan.

Sa pag-uusap nila ni Boss Toyo, lumabas ang katotohanang hindi alam ni Jiro na Manunuri ang kahulugan ng letrang M sa trophy na ipinagbili niya.

Higit sa lahat, malamang na ignorante rin si Jiro sa bato na nakalagay sa Gawad Urian trophy.

Simbolo ang bato sa pag-uri ng mga ginto at stone design sa Gawad Urian trophy, na inihahalintulad ng MPP sa pag-uri nito sa mga aktor at pelikulang pagkakalooban ng mga parangal.

Hindi nainsulto si Butch nang ipagbili ni Jiro ang Gawad Urian trophy.

Pero noong 1981, nagulat ang mga miyembro ng MPP nang manalo si Johnny Delgado bilang best supporting actor para sa Kakabakaba noong 1981, dahil nakita nilang isinilid ng aktor sa bulsa ng pantalon nito ang napagwagiang tropeo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasaktan din ang mga miyembro ng MPP nang makita nilang inilapag sa sahig ng direktor na si Ishmael Bernal ang Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Dulang Pampelikula (Best Screenplay) na napanalunan niya para sa City After Dark noong 1981.

Ayon sa ilang miyembro ng MMP, umasa raw si Bernal na siya ang mananalo noon bilang pinakamahusay na direktor, pero ang best screenplay award ang kanyang natanggap para sa pelikulang unang pinamagatang Manila by Night ngunit, dahil sa censorship ng dating First Lady Imelda Marcos, ay pinangalanang City After Dark.

(Sa pagdaan ng maraming taon, napatunayang iba ang kalidad ni Bernal, na tinawag na "henyo ng pelikulang Pilipino," at ginawaran ng National Artist for Cinema title ng Republika ng Pilipinas noong 2001, limang taon matapos niyang pumanaw.)

Dahil hindi siya ang nagwaging best director, inilapag lamang ng writer-director ang Gawad Urian trophy sa sahig.

Marami na ang mga pagbabago mula 1981 hanggang 2024, kaya maaaring mauunawaan na ng mga miyembro ng MPP ang pasya ni Jiro na ibenta ang acting trophy nito dala ng pangangailangan sa pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang talamak ang pagbebenta ng mga parangal ng ilang award-giving bodies sa mga artistang naniniwalang tataas ang kanilang talent fees kapag nanalo sila ng parangal.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lamang nasangkot ang isang prestigious award-giving body na gaya ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa bentahan ng acting trophy dahil sa ginawa ni Jiro, isang dating child actor na napasama ang buhay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child actor Jiro Manio sells his Gawad Urian 2004 best actor trophy to Boss Toyo for PHP75,000.
PHOTO/S: Boss Toyo Production YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results