PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Chua hindi nagdalawang-salita kay Piolo Pascual

David Chua: "Madali siyang kausap. Kapag sinabi niya, tinutupad niya."
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2024
david chua piolo pascual
David Chua (left) on Piolo Pascual (right): “Madali siyang kausap. Kapag sinabi niya, tinutupad niya. Di ba, may mga ibang artista na chummy-chummy, pumapayag agad sa mga guesting, pero kapag nag-follow up ka, hindi na sumasagot? Seen lang. Si Piolo, hindi. May word of honor siya.”
PHOTO/S: Courtesy of David Chua

Lalong tumaas ang paghanga at respeto ni David Chua kay Piolo Pascual dahil hindi siya nagdalawang-salita nang imbitahan niya ang kapwa aktor para magkaroon ng special participation sa Season 3 finale ng GoodWill na mapapanood sa Enero 21, 2024.

Si David ang bida sa sitcom ng Net25.

Kahit nahihiya, nilakasan daw ni David ang loob para personal na imbitahan si Piolo at hindi siya nabigo.

Kuwento niya sa Cabinet Files, “Nag-message ako kay Piolo. Sabi ko sa kanya, 'Bro, baka puwedeng mag-guest ka sa GoodWill.'

"In-explain ko sa kanya na first time ko na maging lead actor sa GoodWill. Malaking bagay na maging guest si Piolo Pascual.

"Hello, Piolo Pascual siya kaya malaking karangalan na makasama siya!

“Sumagot siya agad, ang bilis ng sagot niya. Sabi niya, ‘Sige, hanapan ko lang ng oras.’

“E, the following day na yung taping. Tanong niya, ‘Kailan ba?’

“Sabi ko, ‘Bukas na.’

Sabi niya, ‘Bro, may ASAP ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi ko na sandali lang naman ang taping, cameo role lang siya.”

Pagpapatuloy ni David, “In fairness kay Piolo, gusto niyang gawin kaso nga lang, tight ang kanyang schedule.

"Pero nang makakita siya ng free time, pinagbigyan niya ako.

“Madali siyang kausap. Kapag sinabi niya, tinutupad niya.

"Di ba, may mga ibang artista na chummy-chummy, pumapayag agad sa mga guesting, pero kapag nag-follow up ka, hindi na sumasagot? Seen lang.

“Si Piolo, hindi. May word of honor siya.”

Read: Net 25 sitcom na Good Will, sasalubong sa Chinese New Year

Bukod sa pagiging lead star ng GoodWill, second unit director din siya ng Korina Interviews, ang lifestyle show ni Korina Sanchez sa Net 25.

Huling nagkita sina David at Piolo nang interbyuhin ni Korina si Piolo noong Nobyembre 3, 2022, sa boutique resort hotel na pag-aari ng aktor sa El Nido, Palawan.

Nominado ang Korina Interviews sa Best Talk Show category at si Korina sa kategorya ng Best Current Affairs Presenter sa 28th Asian Television Awards na magaganap sa Enero 12 at 13, 2024 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lilipad si David at ang production staff ng Korina Interviews sa Vietnam ngayong Huwebes, Enero 11, para dumalo sa gabi ng parangal ng 28th Asian Television Awards.

Sasamantalahin din nila ang pagkakataong makapanayam para sa Korina Interviews ang mga Pilipinong naninirahan sa Vietnam na nagkaroon ng matagumpay na negosyo at nabubuhay nang marangya sa naturang bansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Chua (left) on Piolo Pascual (right): “Madali siyang kausap. Kapag sinabi niya, tinutupad niya. Di ba, may mga ibang artista na chummy-chummy, pumapayag agad sa mga guesting, pero kapag nag-follow up ka, hindi na sumasagot? Seen lang. Si Piolo, hindi. May word of honor siya.”
PHOTO/S: Courtesy of David Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results