Kinumpirma ni Anjo Yllana na nagkabati na sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Jomari Yllana.
Nangyari ang kanilang pagbabati sa bahay ng kanilang kapatid na si Ryan Yllana noong mismong Bagong Taon, Enero 1, 2024.
Read: Anjo Yllana admits he's not on speaking terms with brother Jomari Yllana
Sa naganap na media conference ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko noong Martes, Enero 16, ikinuwento ni Anjo na mangiyak-ngiyak ang nanay nila ni Jomari na si Vicky Yllana dahil nagkasundo na sila matapos ang mahigit dalawang taong personal na hidwaan.

Para kay Anjo, “past is past” at hindi maiaalis na magkapatid pa rin sila ni Jomari, sa kabila ng hindi nila pag-uusap sa matagal na panahon.
Pero nilinaw ni Anjo na tatlo o apat na buwan matapos mangyari ang kanyang pagtatampo kay Jomari noong Disyembre 2021, kinalimutan na niya ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.
Sa magkakapatid na Yllana, si Anjo ang unang nag-artista. Siya ang nagbukas ng pintuan ng showbiz para kina Jomari at Ryan.
Mapagmahal na kapatid si Anjo kaya hindi na ipinagtaka ng mga tunay na nakakakilala sa kanya na siya ang unang bumati at nakipagkasundo kay Jomari sa kanilang pagtatagpo noong Bagong Taon.
Iilan na lamang ang nakakaalala na nasubukan ni Anjo maging direktor ni Jomari sa sitcom ng GMA-7, ang MU, noong 1997.
Hindi nagtagal sa telebisyon ang MU, na pinagbidahan din ni Gelli de Belen, dahil aminado si Anjo na wala talaga sa puso niya ang pagiging direktor.
Read: Anjo Yllana, inamin ang dahilan kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga after 21 years
Aniya, “I was given a directorial job sa isang sitcom sa GMA-7.
"Wala akong pag-aaral noon, wala kong experience. Hindi ko kaya kasi kailangan kong pag-aralan and you have to be patient.
“And after that experience, a harrowing experience for me, parang ibinigay lang sa akin kahit hindi ko gusto. Sabi ko nga, I’m happier being a public servant.”
Read: Anjo Yllana reveals money issue on his decision to withdraw congressional bid in CamSur
Tinalikuran man ni Anjo ang oportunidad na maging direktor, masaya siya para kay Janno Gibbs, ang kanyang matalik na kaibigan at direktor niya sa Itutumba Ka Ng Tatay Ko.
Saad niya, “I’m so happy that my friend Janno, after all these years, he was given a chance to direct and he is excelling.
“I really hope na magtuluy-tuloy siya bilang direktor kasi nga matagal na akong hindi nakakakita ng bagong comedy director na alam yung craft, alam kung paano magpatawa.
“I was observing him, honestly, nagulat ako. Parang seasoned director na siya.
"Unang-una, nagulat ako, propesyonal na dahil hindi na late. Ang call time, ang aga, e, hindi naman ganoon ang kaibigan ko. Ang call time niya, hapon.
“Number two, while I was observing him directing... Ako kasi, honest sa kanya. Kapag may nakita akong medyo kailangan ko siya bigyan ng advice, I was surprised.
"I was amazed kasi alam niya yung ginagawa niya. Alam niya yung shots niya.
"I was so happy for him kasi yung craft na ginagawa niya ngayon, matagal na niyang gustong gawin."