Itinuwid ni Aga Muhlach ang paniniwalang minana sa kanya ng anak niyang si Atasha Muhlach ang magandang boses nito.
Read: Atasha Muhlach, minana sa amang si Aga Muhlach ang talent sa pagkanta
Ipinaliwanag ni Aga na matapang lang siya sa pagkanta pero ang asawa niyang si Charlene Gonzalez ang tunay na may talento sa pag-awit.
"Hindi. Hindi sa akin," reaksiyon ni Aga tungkol sa singing talent ni Atasha nang makapanayam siya ng entertainment press sa media conference ng Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko sa Viva Cafe nitong Martes ng hapon, Enero 23, 2024.
“Siguro tapang lang ang namana sa akin ng anak ko. Yung talent sa pagkanta, si Charlene ang magaling talagang kumanta.
“Mahiyain lang si Charlene. Hindi mo maririnig pero magaling kumanta yung si Charlene.
"Ako matapang, pero hindi ako magaling.
"So, si Atasha lang, may konti siyang galing sa pagkanta. Basta bata yan, made-develop yan.
"Pero sa nanay niya yon. Yung tapang sa akin lang siguro yon."
Read: Aga Muhlach hands-off on daughter Atasha's decision to join showbiz
Hindi itinanggi ni Aga na frustrated singer siya.
Saad niya, “I’m a frustrated singer kasi kapag concert, nanonood ako, naiinggit ako talaga. Parang mahilig akong kumanta kaya lang wala, e.”
Ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko ang pelikula nina Aga at Julia Barretto na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Pebrero 7, 2024.
Nang tanungin kung para kanino niya sasabihin ang nasabing pamagat, nagsalita ang multi-awarded actor na mamamatay siya kapag wala si Charlene.
Read: Charlene Gonzalez, Aga Muhlach spend the holidays with Andres in the U.S.
“Mamamatay ako kapag wala ang asawa ko," sambit niya.
"It’s really a decision I made twenty-two years ago, and that decision was the best decision I ever made in my life.
“And up to now, I wake up, we’re always together, you know.
"I wake up and I’m, like, 'Thank you Lord! Thank you Lord because my wife is so selfless.'
"My wife is so serving and ang daming nagbago sa buhay ko because of her.
"Parang meron din akong tigas ng ulo rin. Meron din akong buhay na binubuhay noon.
"But then, that came with a lot din and it’s like a total surrender to my wife and I am just the happiest that I did that.
“Sabi ko nga, that’s why when we are going a lot of things in life, I think the lockdown taught us that also. Parang huwag na tayong tumingin sa malayo.
"Kasama na natin yung mga mahal natin sa buhay. Napakasuwerte na natin nun sa buhay,” pahayag ni Aga tungkol sa kanyang asawa at sa kanilang napakagandang pagsasama.