PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronaldo Valdez's 2 Films Simultaneously in Cinemas

Janno Gibbs inalay ang first movie directorial job niya sa amang si Ronaldo Valdez.
by Jojo Gabinete
Published Jan 24, 2024
xia vigor janno gibbs ronaldo valdez
Itutumba Ka Ng Tatay Ko, starring and directed by Janno Gibbs (left photo, with co-star Xia Vigor), is one of the last movies of late veteran actor Ronaldo Valdez (right).
PHOTO/S: Viva Films

Dalawang pelikula ng pumanaw na aktor na si Ronaldo Valdez ang magkasabay na nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, Enero 24, 2024—ang Itutumba Ka ng Tatay Ko at Good Game, The Movie.

Read: Donny Pangilinan, Boots Anson Roa-Rodrigo dedicate new film to late veteran actor Ronaldo Valdez

Ang Itutumba Ka ng Tatay Ko ang una at huling pelikula ni Ronaldo na ang kanyang anak na si Janno Gibbs ang direktor.

Sa red-carpet premiere ng Itutumba Ka ng Tatay Ko noong Lunes, Enero 22, 2024, dumalo ang buong pamilya at malalapit na kaibigan niya.

Sinuportahan ng nanay ni Janno na si Baby Gibbs ang pelikula ng kanyang mag-ama dahil dumalo siya sa premiere night.

baby gibbs butch belgica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baby Gibbs with Butch Belgica at the premiere of Itutumba Ka Ng Tatay Ko.

Bukod sa pamilya ni Janno, namataan din sa premiere night na ginanap sa SM Megamall Cinema sina Senator Robin Padilla, Andrew E., Dennis Padilla, Gelli de Belen, Herbert Bautista, at Candy Pangilinan.

Masigabong palakpakan ang natanggap ni Janno mula sa manonood na nagustuhan ang kanyang movie directorial debut at naantig ang damdamin sa closing credits ng Itutumba Ka ng Tatay Ko dahil sa mensahe niyang “Para sa tatay ko.”

Sa panayam ni Jessica Soho kay Janno sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong nakaraang linggo, isiniwalat ng actor-singer-director na mahigit isang taon nang hiwalay ang kanyang mga magulang.

Read: Janno Gibbs reveals dad Ronaldo Valdez was separated from his mom before his death

CHAD KINIS PAYS TRIBUTE TO RONALDO VALDEZ

May isang pelikula pa si Ronaldo hindi pa naipalalabas, ang Apo Ni Nario Mabini na pinagbibidahan ng Beks Battalion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Chad Kinis ang direktor ng pinakahuling pelikula ni Ronaldo.

Nang malaman ni Chad na sumakabilang-buhay na ang veteran actor, nagbigay-pugay siya kay Ronaldo sa pamamagitan ng isang mahabang mensahe ng pasasalamat sa kanyang social media account.

“Sobrang lungkot na balita lahat kami nabigla sa iyong paglisan Tito Ronaldo Valdez.

“It was an honor na maging artista kita sa isang pelikula na dinirek ko. Hindi ko akalain ito na ang huling pelikula na magagawa mo.

"Nalulungkot lalo ako dahil hindi pa naipapalabas ang pelikula natin na sinabi mo na excited kang makita ang movie natin dahil natuwa ka po sa mga eksena.

“Napakahusay mo pong artista at napakabuti mong tao. Sobrang ligaya at ngiti ang binibigay mo sa set at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo.

“Hindi po namin makakalimutan ang masasayang oras na pinagsamahan natin kahit sa maiksing panahon lamang. Nakikiramay po kami sa buong pamilya.

"Isa lang po ang alam ko, hinding hindi ka makakalimutan ng industriya at ng mga Pilipino dahil isa ka sa mga pinakamahusay at pinakamabait na taong nakilala namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming maraming salamat po sa pagkakataon na makatrabaho at makasama ka namin. We love you Lolo Nario.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itutumba Ka Ng Tatay Ko, starring and directed by Janno Gibbs (left photo, with co-star Xia Vigor), is one of the last movies of late veteran actor Ronaldo Valdez (right).
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results