PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol Excited for Sen. Bong Revilla's Show S2

Herlene Budol nagulat na invited sa birthday party ni Senator Bong Revilla.
by Jojo Gabinete
Published Jan 26, 2024
herlene budol bong revilla
Herlene Budol (left) on working with Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis co-stars led by Senator Bong Revilla Jr.: "Parang nakakakilig kasi yung mga napapanood niyo talaga dati, parang, wow, kasama ko na ngayon. Nagkakaamuyan na kami ng hininga."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram

Tuwang-tuwa si Herlene Budol dahil kasama siya sa cast ng Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, ang action-comedy series na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla Jr.

Muli itong mapapanood sa GMA-7 simula sa Pebrero 4, 2024.

Nalaman ni Herlene na kabilang siya sa cast ng season 2 ng programa ni Bong nang imbitahan siya sa 57th birthday celebration ng actor-politician na ginanap sa isang hotel sa Parañaque City noong Setyembre 25, 2023.

Read: Senator Bong Revilla, sabay na ipinagdiwang ang 57th birthday at 50th anniversary in showbiz

“Actually, nung birthday ho ni Senator Bong, nagulat ho ako, invited ako. Akala ko ho, hindi niya ako kilala,” umpisang kuwento ni Herlene sa media conference ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na idinaos sa isang hotel sa Quezon City nitong Biyernes ng hapon, January 26.

“Pumunta po ako sa hotel, bawal nga daw ho magsama ng iba. Sabi ko, hala, ang gaganda ng mga sasakyan tapos ako, pagbaba ko, inasar pa nga ako, akala nila Grab tapos ako yung nagda-drive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpa-valet naman ako. May budget ako pang-valet [parking]!

“Pero pagpasok ko [sa party], nagulat ako. Parang ako lang yung bagong mukha para sa kanila.

"Sila, parang matatagal na sa industriya. Nandoon sina Manny Pacquiao…

"Nagulat ako, talagang nagpa-picture ako sa lahat. Nag-attendance ako sa lahat ng tao na nandoon kaya nagpapasalamat ako.

"Kasi sobrang… parang first time ko na [nag-attend] ng birthday na may ganoong eksena. Grabe, parang concert. Ganoon po yung pakiramdam.”

Read: Sidelights sa birthday/anniversary party ni Senator Bong Revilla

Tumingin si Herlene sa direksiyon ng kinaroroonan ni Bong para sabihing, “Hindi pa pala ako nakapagpapasalamat kaya maraming-maraming salamat."

bong revilla herlene budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magkausap sila nang personal ni Bong sa naganap na birthday party noong nakaraang taon, "kinilig" daw si Herlene dahil nalaman nga niyang kasama siya sa Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

“Kinilig ako dahil sinabi niya na ‘magkakatrabaho tayo’ kaya tuwang-tuwa po ako noong mag-first taping po ako.

“Ganoon din po kay Miss Beauty [Gonzalez] noong nagkita kami sa GMA Gala. Sobrang kalog niya ho.

“Akala ko mababahuan siya sa hininga ko kasi grabe siyang mag-beso. Alam mo yung beso niya? Parang nilanghap niya lahat ng hininga ko nang gabing yon.

"Siyempre, medyo nakainom na ho ako noon. Sabi ko, 'Hala baka may masabi siya sa hininga ko!" nagpapatawang kuwento ni Herlene.

Hindi makapaniwala si Herlene na darating ang araw na mabibigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang mga artistang napapanood lamang niya dati sa sine at telebisyon.

“Parang nakakakilig kasi yung mga napapanood niyo talaga dati, parang, wow, kasama ko na ngayon. Nagkakaamuyan na kami ng hininga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre, yung ibang mga artista na nakasama ko sa set, talagang sinuportahan po nila ako,” sabi ni Herlene, na nangibabaw ang pagka-fan habang nagkukuwento tungkol sa kanyang mga karanasan sa taping para sa sitcom na pinangungunahan nina Bong at Beauty.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol (left) on working with Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis co-stars led by Senator Bong Revilla Jr.: "Parang nakakakilig kasi yung mga napapanood niyo talaga dati, parang, wow, kasama ko na ngayon. Nagkakaamuyan na kami ng hininga."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results