PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Big-time Negosyante to Join Forces for RPN 9's Return?

Eat Bulaga! full circle sa pagbabalik nito sa RPN 9.
Published Jan 26, 2024
rpn 9 logo
Isang source na nakausap ng Cabinet Files ang nagsabing malaki ang posibilidad na ibalik sa dating pangalan na RPN 9 ang CNN Philippines dahil sa mga nakaambang pagbabago. Ayon pa sa source, dalawang negosyanteng pinuno ng malalaking kompanya ang magsasanib-puwersa sa pagbabalik ng RPN 9.

Malalaman ang katotohanan tungkol sa magiging kapalaran ng CNN Philippines dahil sa magaganap na general assembly o pangkalahatang pagtitipon ng mga empleyado sa darating na Lunes, Enero 29, 2024.

Noong Huwebes, Enero 25, 2024, lumabas ang mga ulat tungkol sa diumano’y plano ng Nine Media Corporation at ng CNN na ihinto na ang kanilang licensing agreement dahil sa malaking problema sa pananalapi na dulot ng malaking gastos at kawalan ng mga advertiser.

Read: CNN Philippines reportedly shutting down after nine years on air

Isang source na nakausap ng Cabinet Files ang nagsabing malaki ang posibilidad na ibalik sa dating pangalan na RPN 9 ang CNN Philippines dahil sa mga nakaambang pagbabago.

Ibinalita ng source na, diumano, dalawang negosyanteng pinuno ng malalaking kompanya ang magsasanib-puwersa sa pagbabalik ng RPN 9.

Kamakailan ay inanunsiyo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na mapapanood na rin ang kanilang noontime program na Eat Bulaga! sa CNN Philippines, na dati ngang RPN 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula na noong January 6 ang pagpapalabas ng longest-running noontime show sa CNN Philippines tuwing Sabado.

Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."

Maituturing itong "homecoming" ng Eat Bulaga! sa unang tahanan nito sa telebisyon.

Nag-umpisang mapanood ang noontime variety show ng TVJ sa RPN 9 noong July 30, 1979.

Makalipas ang isang dekadang pananatili sa RPN 9 (1979-1989), lumipat ang Eat Bulaga! sa ABS-CBN (1989-1995).

Makaraan ang anim na taon, tumawid ang noontime program sa GMA-7 (1995-2023).

Dalawampu’t walong taong napanood sina Tito, Vic at Joey sa Kapuso Network hanggang magkaroon sila ng problema sa producer ng Eat Bulaga!, ang TAPE Inc., na dahilan para lumipat ang tatlo sa TV5.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Nagtagumpay ang TVJ na mabawi mula sa TAPE Inc. ang titulong Eat Bulaga! na kanilang muling nagamit noong Enero 6, 2024.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maituturing na full circle ang pangyayaring ito sa mga pioneer host ng Eat Buaga!.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang source na nakausap ng Cabinet Files ang nagsabing malaki ang posibilidad na ibalik sa dating pangalan na RPN 9 ang CNN Philippines dahil sa mga nakaambang pagbabago. Ayon pa sa source, dalawang negosyanteng pinuno ng malalaking kompanya ang magsasanib-puwersa sa pagbabalik ng RPN 9.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results