PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas' Beauty Affirmed in US Masses

Ai-Ai delas Alas babalik sa Pilipinas para sa kanyang Valentine concert.
by Jojo Gabinete
Published Jan 31, 2024
aia-i delas alas
Ai-Ai delas Alas on spending time in both the Philippines and the U.S.: “Kasi mahirap din minsan yung nasa dalawang bansa ka. Sa totoo lang, dun talaga ako nagkasakit. Yung jetlag, dun ako nahihirapan. Kailangan kong mag-accumulate ng days na nandito ako sa U.S., tapos kailangan ko pumunta sa Pilipinas dahil may mga project ako."
PHOTO/S: Instagram

Hindi makapaniwala si Ai-Ai delas Alas na walong buwan na ang nakalilipas buhat nang huli siyang umuwi sa Pilipinas kaya napatunayan niyang talagang mabilis ang takbo ng panahon.

Read: Ai-Ai delas Alas on balancing showbiz and life in the U.S.: "Gusto ko pa rin bino-blower yung buhok ko."

Sa susunod na linggo, makaraan ang walong buwan, muling babalik si Ai-Ai sa Pilipinas para sa Ai... Luv U, kanyang Valentine show na itatanghal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Llubos ang pasasalamat ni Ai-Ai sa Panginoong Diyos dahil sa mga biyayang natatanggap niya.

“Sobrang blessed at palaging dinidinig ng Diyos ang panalangin ko na ‘Lord, sana…’” sabi ni Ai-Ai nang makausap siya ng Cabinet Files sa pamamagitan ng Zoom nitong Miyerkules ng umaga, Enero 31, 2024.

“Kasi mahirap din minsan yung nasa dalawang bansa ka.

"Sa totoo lang, dun talaga ako nagkasakit. Yung jetlag, dun ako nahihirapan.

“Kailangan kong mag-accumulate ng days na nandito ako sa U.S., tapos kailangan ko pumunta sa Pilipinas dahil may mga project ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero God is so good talaga na parati Niya akong pinagbibigyan sa lahat ng mga kahilingan ko.

“At hindi lang yon, kapag sinabi ko na, ‘Lord, sana gumaling ako, huwag po akong magkasakit dahil super jetlagged na ako,' nangyayari naman.

"So, marami talagang bagay na nakukuha sa dasal. The power of prayers.

“Sasabihin nila, ‘Si Ai-Ai palagi na lang ganyan ang sinasabi niyan,’ pero kasi yun talaga ang nangyayari sa buhay ko.

“So thankful ako at thank you rin sa mga producer na hindi ako nakakalimutan.”

Sanay na sanay na si Ai-Ai sa simple at normal na pamumuhay nila ng pamilya niya sa Amerika, pero may mga karanasan siyang nagbibigay sa kanya ng stress, lalo na sa pagmamaneho ng sasakyan.

Ikinuwento ni Ai-Ai na naranasan na nitong makatikim ng makahulugang “middle finger sign” mula sa ibang mga motoristang nakakasalamuha niya sa kalye.

Pagtatapat ni Ai-Ai, “Nai-stress ako. Natatakot ako, so sumasabay ako sa mga anak ko sa sasakyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Halimbawa, na-dirty finger ako, kinabukasan, ayokong mag-drive.

"Sumasabay ako kay Sophia o kaya sa anak kong isa o kaya sa son in-law-ko.

“Ang nakakatawa, kapag magkasama kami ni Sophia, kami ang palaging nadi-dirty finger. Hindi ko nga maintindihan kung bakit.

“Wala naman akong traffic violations. Minsan may mga assh*le talaga.

“Nagdi-dirty finger din kami ni Sophia kasi wala naman kaming traffic violation, bakit ninyo kami ginaganito? Maingat ako magmaneho, medyo may kabagalan lang…”

Anong mga pagkakataong ramdam niya ang pagiging Pilipino sa kanyang matagal na pamimirmihan sa Amerika?

“Kapag may show at kapag nagsisimba ako.

"Kapag nagsisimba ako, parati akong maganda kasi nagpapa-picture sila sa akin," natatawa pero walang pretensiyong lahad ni Ai Ai.

“Totoo! Parati akong maganda. Hindi ako lumalabas na wala akong lipstick, wala akong kilay.

"Kasi after the mass, kapag nakikilala nila ako, kapag wala na akong suot na mask, nagpapa-picture sila.

“So, parati akong maganda kapag nagsisimba ako. Sa Union City kasi ako nagsisimba, puro Pilipino doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So asahan mo, kapag Sunday, maganda ako. Hindi ako puwedeng pangit,” sabi ni Ai-Ai kasunod ang matunog na halakhak.

Bago natapos ang Zoom interview kay Ai-Ai, ipinaalaala niyang mapapanood ang Ai… Luv sa Casino Filipino branches sa Bacolod (Pebrero 10), Angeles City (Pebrero 14 ), Talisay (Pebrero 16), at Tagaytay (Pebrero 17, 2024).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on spending time in both the Philippines and the U.S.: “Kasi mahirap din minsan yung nasa dalawang bansa ka. Sa totoo lang, dun talaga ako nagkasakit. Yung jetlag, dun ako nahihirapan. Kailangan kong mag-accumulate ng days na nandito ako sa U.S., tapos kailangan ko pumunta sa Pilipinas dahil may mga project ako."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results