PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe QC Coronation with Senior Candidate

Ano ang magiging kapalaran ng senior citizen na si Jocelyn Cubales?
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2024
miss universe philippines quezon city candidates
Senior citizen Jocelyn Cubales (fifth from left) joins the other Miss Universe Philippines Quezon City candidates for a photo op. The grand coronation will take place tonight, February 5, 2023.

Sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang special guests sa Miss Universe Philippines-Quezon City grand coronation na magaganap sa Quezon Ballroom ng Seda Vertis North Hotel sa Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, Pebrero 5, 2024,

Ang Kapuso singer na si Anthony Rosaldo at Mister Supranational Philippines 2023 Johannes Rissler naman ang mga invited performer.

Pinag-uusapan at inaabangan ang resulta ng Miss Universe Philippines-Quezon City 2024 dahil kabilang sa labinlimang opisyal na kandidata ang 69-year-old na si Jocelyn Cubales ng Barangay Baesa, Quezon City.

Read: 69-year-old fashion designer Jocelyn Cubales kandidata sa Miss Universe Philippines-QC 2024

Si Jocelyn ang kauna-unahang senior citizen na sumali sa nabanggit na patimpalak buhat nang alisin ang age requirement sa mga kandidatang nangangarap magkaroon ng Miss Universe title.

Kung papalarin siyang manalo, si Jocelyn ang magiging kinatawan ng Quezon City sa Miss Universe Philippines 2024, na may temang “ Love for All.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng mga proyekto ng Miss Universe Philippines na pangungunahan ng mga kandidata, layunin ng organisasyong hikayatin ang mga Pilipino na mahalin ang ating kultura, kapaligiran, mga kababaihan, mga kabataan, ang LGBTQ community, ang creative industry, at pati na ang mga hayop.

Nakatakda sa Pebrero 17, 2024 ang pormal na pagpapakilala sa mga opisyal na kandidata ng Miss Universe Philippines 2024. Idaraos ito sa Cinema 2 ng Estancia Mall, Pasig City.

Kasabay ng press presentation sa Pebrero 17 ang koronasyon ng The Miss Philippines at Mister Pilipinas Worldwide winners na ipadadala ng Miss Universe Philippines Organization bilang kinatawan ng ating bansa sa Miss Charm, Miss Asia Pacific International, Miss Supranational, at Mister Supranational.

Inaasahan din sa gaganapin na press presentation ang anunsiyo ng Miss Universe Philippines 2024 tungkol sa petsa ng koronasyon o araw ng pagpili ng kandidatang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe na mangyayari sa Mexico bago matapos ang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senior citizen Jocelyn Cubales (fifth from left) joins the other Miss Universe Philippines Quezon City candidates for a photo op. The grand coronation will take place tonight, February 5, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results