PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer Arthur Nery kabado sa unang concert niya sa Araneta Coliseum

Newbie singers Rob, MRLD, at Rhodessa kabado sa una nilang concert sa Araneta.
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2024
arthur nery, rob, MRLD, rhodessa concert
Arthur Nery (extreme left) will stage a Valentine concert with newbie singers (from left) MRLD, Rhodessa, and Rob Deniel at Araneta Coliseum on February 13, 2024.

Nagsimula ang singing career ni Arthur Nery noong 2019, pero sumikat siya nang husto noong 2020, ang taong hindi malilimutan ng lahat dahil sa coronavirus pandemic na naghatid ng perwisyo sa buong mundo.

Read: "Tala" at ang iba pang viral OPM songs ng 2020

Bilang singer at songwriter, ang makapagtanghal sa Smart Araneta Coliseum ang isa sa mga pangarap ni Arthur.

Matutupad na ito sa Pebrero 13, 2024.

Kasama siya sa ILYSM, ang Valentine Harana concert na pangungunahan nila ni Janine Teñoso at ng baguhang singers sina Rob Deniel, Adie, MRLD (Meriel de Jesus), at Rhodessa.

Read: Arthur Nery on Janine Teñoso: "Ang ganda pala niya."

Ipinagtapat ni Arthur na kinakabahan siya sa nalalapit na pagtatanghal nila sa Smart Araneta Coliseum dahil ito ang unang pagkakataong tutugtog siya sa nasabing lugar.

“Kinakabahan po rin talaga kami kasi growing up, yun naman po talaga yung goal, mag-perform sa Big Dome.

“Yun po yung parang testament ng love and hardwork namin sa music. Kapag nakatugtog kami sa Big Dome, tama yung ginagawa namin. Parang ganoon yung feeling,” pahayag ni Arthur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinang-ayunan o pinagtibay ito nina Rob, MRLD, at Rhodessa.

Sabi ni Rob, “First time naming lahat [sa Big Dome]. Nakapanood na ako ng concert sa Araneta Coliseum and yung feeling, yung atmosphere na hindi mo ma-explain.

“Kahit nanonood ka lang, mapi-feel mo siya. What more kung kami yung nagpe-perform sa stage? Naririnig mo na yung fans, nagtsi-cheer sa yo.

"Siguro mas nakakakaba yon, mas nerve-wracking.”

Reaksiyon naman ni MRLD, “Kinakabahan din po.

“Yes, big achievement din as an artist and I think everyone agrees to that naman kasi I started writing songs sa room ng mom and dad ko.

“And now, tutugtog po ako sa stage ng Araneta Coliseum. I’m very happy, excited and nervous as well.”

Doble ang kabang nararamdaman ni Rhodessa dahil ang ILYSM ang kauna-unahang concert na kanyang sasalihan at unang pagkakataon na tatapak ang mga paa niya sa iconic venue.

“Kagaya po ng sinabi nila, very nakakakaba, pero malaking achievement at milestone ko na makasama yung mga matagal na sa industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil first time kong magkaroon ng concert at first time sa Araneta Coliseum, super kabado. Pero I think mawawala naman‘yung kaba ko kapag kasama sila,” ang lahad ni Rhodessa.

Si Rhodessa ay masugid na tagahanga ng TWICE member na si Mina Myoi kaya “delulu” (delusional) ang tawag niya sa sarili.

Si Mina ang inspirasyon ni Rhodessa sa mga hit song na isinulat at inawit nito — ang "Mina (mahal ko)" at "Kisame."

Gumawa ng kasaysayan sa Spotify ang "Kisame" noong nakaraang taon dahil sa 33 million streams na malaking karangalan para sa baguhang kagaya niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arthur Nery (extreme left) will stage a Valentine concert with newbie singers (from left) MRLD, Rhodessa, and Rob Deniel at Araneta Coliseum on February 13, 2024.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results