Natuto na si Rob Gomez na huwag magsalita tungkol sa mga isyu at kontrobersya na pinagdaanan niya bago matapos ang 2023.
Kaya “No comment” ang kanyang sagot nang kumustahin ng entertainment press ang kasalukuyang estado ng pagkakaibigan nila ni Herlene Budol.
“Natutunan ko na po na magsabi ng 'no comment,'” ang nakangiting reaksyon ni Rob tungkol kay Herlene.
Nasangkot ang aktor sa kontrobersyal na paglabas ng screenshots ng kanilang pribadong pag-uusap sa kanyang hacked Instagram account ng aktor.
Hindi naman itinanggi ni Rob na kumplikado ngayon ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.
“It’s complicated. Very complicated. I think I should not speak on it further for me not to jinx…” ang bitin na pahayag ni Rob.
Pero nagbahagi siya ng mga natutunang leksyon mula sa pinagdaanan na pagsubok na naging sanhi para hindi sila magkita ng kanyang one-year-old daughter na si Amelia.
“Natutunan ko throughout my career in show business, so far, that comeback is always good. I’m working out now, I’m trying to get into the best shape of my life, get to the next level, and once again, try to prove myself.
“I love my daughter so much. I love being a father, everything, like putting diapers to feeding her milk, baby food. Now she’s eating solid food.
“She gives me so much fire, so much drive. At times, I kinda lose sense of what I am doing, jobwise, mentally, and then I realized, my daughter is my everything.”
Read: Rob Gomez shares photos from daughter's baptism on Instagram
Matunog na "No!" ang mabilis na sagot ni Rob nang tanungin kung handa na siyang muling magmahal matapos na maghiwalay sila ng ina ng kanyang anak.
“I think this is the time to work. The time to find myself, maybe heal. I don’t want to sound like a victim because I do not want to pry on it.
“I don’t want anyone na maawa sa akin. I do not wish to share my problems with anyone.
“I love my job. It’s a different feel, para siyang school para sa akin. Masaya. I’m so lucky that I get to do something I love. How many are we that we can say I love my job?”
Postscript. Kahit umiwas si Rob na magsalita tungkol kay Herlene, sinagot niya ang tanong tungkol sa “Kain jokes” na naging palasak dahil bahagi ito ng leaked private conversation nila ng actress-comedienne.
Ikinuwento ni Rob na may mga kasamahan siyang artista na nagbibiro tungkol sa "kain" pero tumatawa na lamang siya.
“Tawanan lang... 'Busog ka na?' Sa set, sa taping but it’s all for a game. The people who were doing those jokes naman are someone close to me. It’s not out of disrespect,” ang paliwanag ni Rob.
Nakapanayam ng Cabinet Files si Rob sa 10th anniversary party ng VP Global Athlete and Artist Management sa Sheraton Manila Hotel ballroom noong Sabado, Pebrero 10, 2024, dahil contract star siya ng nabanggit na talent agency.