PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA's Anjo Pertierra saddened by showbiz rejection

GMA News weather presenter Anjo Pertierra, nalungkot nang pinatigil sa pag-arte
by Jojo Gabinete
Published Feb 13, 2024
anjo pertierra acting
Anjo Pertierra on being part of Unang Hirit: “Ito yung trabaho na papasok kang ganado at uuwi ka na ganado pa rin dahil nakakatulong tayo sa sambayanang Pilipino, na sobrang nakakatuwa sa puso na naglilingkod ka para sa bayan.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Isang international comedy-drama series ang huling acting assignment ng weather presenter na si Anjo Pertierra dahil ito ang napagkasunduan nila ng management ng GMA Integrated News.

Bago pa pumirma ng kontrata bilang weather presenter ng Kapuso Network, nauna na ang acting career ng Filipino-Vietnamese heartthrob.

Nang makausap siya ng Cabinet Files sa 10th anniversary celebration ng VP Global Athlete and Artists Management noong Pebrero,10, 2024, nagpahayag ng kalungkutan si Anjo sa desisyong talikuran ang pag-arte.

Read: Management na may hawak kina James Yap, Rob Gomez, Ricci Rivero, nagbago ng pangalan

Saad ni Anjo, “Malungkot kasi nga parang naging parte na ng buhay ko yung pag-arte. Nakasanayan ko na rin po.

“Ako naman po, kung ano yung ihain sa akin, ine-embrace ko. Inaaral kong mabuti. Pinagbubuti ko sa kada trabaho na ibinibigay sa akin.

"So, ngayon, itong weather presenting, ine-embrace ko siya, isinasapuso ko.

“Hindi lang po ako weather forecaster. Nagpi-feature segment host, sports host, kaya nga sobrang dami kong natututunan sa Unang Hirit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pasya niyang ihinto ang pag-arte, may nararamdamang fulfillment si Anjo bilang mainstay ng Unang Hirit, ang early morning program ng GMA-7 na naghatid ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Read: Anjo Pertierra: ang bagong heartthrob weather presenter ng 'Unang Hirit'

“Ito yung trabaho na papasok kang ganado at uuwi ka na ganado pa rin dahil nakakatulong tayo sa sambayanang Pilipino, na sobrang nakakatuwa sa puso na naglilingkod ka para sa bayan,” nakangiting lahad ni Anjo.

“Sa gising, hanggang ngayon kinakapa ko pa rin yung schedule ko sa tulog since sa Unang Hirit nga po ako.

"Ang hirap kasi na sanay ako na nagpupuyat tapos nabalik ako sa gising sa umaga na parang atleta.

"Parang ganoon uli ang tulog ko. Mahirap mag-adjust pero kinakaya.

“Gumigising ako ng alas-kuwatro araw-araw.

"Paggising ko, kape agad, tapos nagri-read na ako ng script, nagtse-check na ako sa website ng PAGASA para makita ko yung lagay ng panahon. Para pagdating ko sa studio, madali na."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumatanaw ng malaking utang na loob si Anjo kay Nathaniel Cruz, aka Mang Tani, ang dating resident weather presenter ng GMA-7.

Aniya, “Nagpapasalamat ako kay Mang Tani. For me, I took it as a challenge kasi we all know Mang Tani. He’s my childhood hero.

"Sa mga bata, kapag walang pasok sa school, automatic Mang Tani. Kaya noong bata ako, hero ko siya.

“I took it as a challenge. Mabigat na trabaho ang pagpe-present ng weather kaya hanggang ngayon, hinahangaan ko si Mang Tani."

Mensahe pa niya sa veteran weather presenter, “Mang Tani, I am a fan, I’m a big fan. Sobrang proud po ako sa iniwan ninyo na legacy.”

Ano ang mga pagbabago sa buhay mo mula nang maging bahagi ka ng Unang Hirit?

Sagot ni Anjo, “Maraming airtime. Mas nare-recognize po tayo.

"Ang nakakatawa, ang mga nakaka-recognize sa akin, mga tita, mga tito, mga lolo, lola.

"Nakakatuwa na nabago ‘yung dynamics ng supporters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Growing Boy" ang nakasanayang tawag kay Anjo ng Unang Hirit main host na si Arnold Clavio.

Inalam ng Cabinet Files kay Anjo ang pinagmulan ng "Growing Boy" label sa kanya ni Arnold.

arnold clavio anjo pertierra unang hirit

Ani Anjo, “Sobrang bait po ni Sir Igan, actually lahat po ng hosts sa Unang Hirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang bait po nila.Sobrang welcoming. Ang daming matututunan sa kanila.

"Pinapakain niya [Arnold] ako kada-umaga. Sabi niya sa akin, bago ako dumating sa Unang Hirit, hindi naman sila kumakain ng agahan araw-araw. Pagdating ko lang, parang naobliga nila.

“Yung Growing Boy tag, sabi ni Sir Igan, napansin nila na malakas akong kumain. Simula noon, tinag na niya ako na Growing Boy.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Pertierra on being part of Unang Hirit: “Ito yung trabaho na papasok kang ganado at uuwi ka na ganado pa rin dahil nakakatulong tayo sa sambayanang Pilipino, na sobrang nakakatuwa sa puso na naglilingkod ka para sa bayan.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results