PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda will make an announcement about Kris Aquino's health

Kris Aquino pinili si Boy Abunda na magbasa ng kanyang statement.
by Jojo Gabinete
Published Feb 13, 2024
boy abunda kris aquino
Boy Abunda: “Kris is going through a very difficult time in her life. Sabi niya sa akin, ‘Para mas maintindihan na mabuti, promise me, Boy, you will not cry.’ Sabi ko, ‘Kris, aantayin ko ang iyong statement and I will try not to cry…’”
PHOTO/S: @krisaquino / @gmanetwork on Instagram

Bukas, Pebrero 14, 2024, ang ika-53 kaarawan ni Kris Aquino.

Kasabay nito, isang mahalagang anunsiyo tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan ang hiniling niyang ihatid ni Boy Abunda sa manonood ng programa nito sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda.

Read: February 14: Araw ng kapanganakan at kamatayan ng ilang showbiz personalities

Dalawampung minuto lamang ang running time ng Fast Talk. Bukas, iuukol ni Boy ang kabuuan ng kanyang programa kay Kris.

Malaki ang posibilidad na magiging maingay at pag-uusapan ang mga ilalahad ni Boy tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng TV host-actress, na itinuturing niyang parang tunay na kapatid.

Read: Kris Aquino reunites with Boy Abunda: “Seriously it was a heartwarming reunion.”

Sa kanyang programa ngayong Martes ng hapon, Pebrero 13, nagsalita at nagbigay ng pahiwatig si Boy sa mga ilalahad niya tungkol sa kalusugan ni Kris.

Read: Kris Aquino says her health issue "has become more complex"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “A couple of days ago ay nakausap ko po ang aking kapatid, si Kris Aquino.

"Tomorrow, she is celebrating her birthday. And we’re going live again tomorrow dahil Kris requested me to read a very important statement tungkol sa kanyang kalagayan.

“Sabi nga niya, ‘Utang ko sa milyun-milyong tao na nagdarasal para sa akin.’

"At sabi niya, ‘Boy, it has to be you. You have to read my statement para maunawaan ng tao.’

“Kris is going through a very difficult time in her life.

"Sabi niya sa akin, ‘Para mas maintindihang mabuti, promise me, Boy, you will not cry.’

“Sabi ko, ‘Kris, aantayin ko ang iyong statement and I will try not to cry…’”

Read: Kris Aquino starts taking anticancer drug; reveals she now has five autoimmune conditions

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda: “Kris is going through a very difficult time in her life. Sabi niya sa akin, ‘Para mas maintindihan na mabuti, promise me, Boy, you will not cry.’ Sabi ko, ‘Kris, aantayin ko ang iyong statement and I will try not to cry…’”
PHOTO/S: @krisaquino / @gmanetwork on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results